Chiefs angat na sa Bombers

Pinagtulungan nina Jerald Serrano at Jozhua General ng EAC si Joseph Gabay­ni ng Lyceum sa NCAA. (Jun Mendoza)  

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12 nn San Beda

vs Letran (Jrs)

2:30 p.m.  San Beda

vs Letran (Srs)

 

 

MANILA, Philippines - Binalikan ng Arellano Chiefs ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 75-69, para manatiling okupado ang mahalagang ikalawang puwesto sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumipa si  Dioncee Holts ng 22 puntos at 13 rebounds habang ang kanilang depensa ay nagpatigil sa pagpuntos ng Heavy Bombers sa huling tatlong minuto tungo sa paglista ng ika-10 panalo matapos ang 14 na laro.

Nabawi rin ng tropa ni coach Jerry Codiñera ang 99-98 pagkatalo sa triple-overtime sa unang pagkikita para itulak din ang host team sa ikatlong puwesto kasama ang St. Benilde Blazers sa 9-5 baraha.

Bumira si Philip Paniamogan ng isang tres para idikit ang bataan ni coach Vergel Meneses sa isa, 70-69.

Pero gumawa ng 3-pointer si John Pinto bago binutata ng nagbabalik mula sa leg injury Jiovani Jalalon si Dave Sanchez. Nagtala pa ng dalawang free throws si Jalalon para sa pinal na iskor.

Tumapos si Paniamogan bitbit ang 20 puntos pero ang gaya niyang bete­rano na si Michael Mabulac na nagbida sa huling dalawang panalo ng koponan ay may apat na puntos lamang

Buhay pa rin ang laban ng Lyceum Pirates matapos ang  91-75 pagdurog sa talsik ng Emilio Aguinaldo College Generals sa unang laro.

Tumipa ng career-high na 20 puntos si Jebb Bulawan para pangunahan ang limang manlalaro ng Pirates na naghatid ng 10 puntos pataas upang umangat sa 6-8 karta.

Lyceum 91 – Bulawan 20, Zamora 16, Gabayni 16, Lesmoras 14, Taladua 10, Mbbida 9, Baltazar 5, Malabanan 1, Soliman 0, Elmejrab 0, Maconocido 0

EAC 75 – Tayongtong 24, Onwubere 16, Arquero 14, Jamon 11, General 7, Serrano 3, Santos 0, Mejos 0, Saludo 0

Quarterscores: 22-19; 38-33; 65-59; 91-75

Arellano U 75- Holts 22, Caperal 10, Hernandez 7, Enriquez 7, Jalalon 6, Pinto 6, Ortega 5, Bangga 4, Gumaru 2, Nicholls 2, Ciriacruz 2, Agovida 2.

Jose Rizal 69- Paniamogan 20, Asuncion 14, Teodoro 13, Abdul Wahab 7, Sanchez 7, Balagtas 4, Mabulac 4, Lasquety 0.

Quarterscores: 20-16; 39-35; 56-51; 75-69.

Show comments