Archers, Bulldogs unahang lumapit sa UAAP badminton finals

Isa sa player na babantayan si Ge­rald Siba­yan ng La Salle sa UAAP bad­min­ton

MANILA, Philippines - Maglalaban ang mga may malilinis na record na De La Salle University at ang National University sa UAAP Season 77 men’s badminton tournament ngayon sa Rizal Memorial Bad­minton Hall.

Parehong may 5-0 ba­raha, ang mananalo sa Archers at Bulldogs sa Court 3 sa alas-9 ng umaga ang makakalapit sa outright Finals berth bitbit ang ‘thrice-to-beat’ incentive.

Puntirya rin ng University of the Philippines na makakuha ng automatic championship berth sa women’s division sa kanilang pag­sagupa sa University of the East sa Court 5 sa ala-1 ng hapon.

Nakatiyak na ang Lady Maroons, ang third placer noong nakaraang season, ng tiket sa susunod na round mula sa kanilang 5-0 baraha sa pagsagupa sa Lady Warriors.

Si Gerald Sibayan ang muling mangunguna sa La Salle kung saan makakaharap ng dating Rookie of the Year winner si Season 75 MVP Joper Escueta ng Bulldogs.

Show comments