Bulldogs, Eagles umarangkada

Pinagdalawahan nina Joel Betayene at Rodolfo Ale­jandro III ng NU si import Charles Mammie  ng UE sa 77th UAAP. (Kuha ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines - Inangkin ng Bulldogs ang kanilang pangatlong sunod na panalo para patuloy na pangunahan ang 77th UAAP men’s basketball tour­nament.

Bumandera sina Afred Aro­ga at Joshua Alolino sa fourth quarter para igiya ang National University sa 57-55 paglusot sa University of the East kahapon sa Smart-Ara­neta Coliseum.

Ibinandera ng NU ang ka­­nilang 5-1 record kasunod ang Ateneo De Manila Uni­­versity (4-1), Univer­si­ty of Sto. Tomas (3-1), nag­de­depensang De La Salle Uni­versity (3-2), Far Eas­tern University (3-2), UE (2-3), Adamson Uni­versity (0-5) at University of the Phi­lippines (0-5).

Sina Aroga at Aloli­no ang umiskor ng huling li­mang puntos ng laro para sa Bulldogs, ipinalasap sa Red Warriors ang ikatlong dikit ni­tong kamalasan matapos ang 2-0 panimula sa torneo.

Tumapos si Aroga na may 18 points at 15 rebounds para sa pananaig ng NU sa UE, nagtala ng 20-9 abante sa first period.

Naimintis ni guard Roi Sumang ang kanyang lay-up sa panig ng Red Warriors kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Sa ikalawang laro, kumamada ang Blue Eagles sa fourth period para pigilin ang two-game winning run ng Tamaraws, 81-78.

Humugot si Kiefer Ra­vena ng 12 sa kanyang 23 points sa final canto para sa panalo ng Ateneo.

NU 57 – Aroga 18, Kho­buntin 14, Rosario 11, Alolino 6, Perez 4, Javelona 2, Diputado 2, Neypes 0, Ale­­jandro 0, Atangan 0, Be­­tayene 0, Celda 0.

UE 55 – Galanza 16, Su­­­mang 16, Javier 9, Al­ber­to 8, Palma 4, Guiang 2, Varilla 0, Arafat 0, Mam­­­­mie 0, De Leon 0, Ju­­mao-as 0.

Quarterscores: 12-20; 23-28; 42-36; 57-55.

Ateneo 81 – K. Ravena 23, Newsome 17, Elorde 12, Pessumal 12, Capacio 5, A. Tolentino 5, T. Ra­­vena 4, Gotladera 2, V. Tolentino 1, Apacible 0, Babilonia 0.

FEU 78 – Belo 22, To­lomia 15, Hargrove 13, Po­goy 8, Dennison 5, Cruz 4, Tamsi 4, Jose 4, Iñigo 3, Ru. Escoto 0, Ri. Escoto 0. Quarterscores: 14-16; 35-35; 58-54; 81-78.

Show comments