FIBA U-18 C’ship tuloy

MANILA, Philippines - Mututuloy ang FIBA-Asia Under-18 Cham­pion­ship na nakatakda sa Agosto 19 hanggang 28 sa Doha, Qatar.

Sinabi kahapon ni Phl national youth coach Jamike Jarin na sinabihan siya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na hindi kinansela ang nasabing event.

“SBP just told me today (kahapon) it will push through,” wika ni Jarin, bibiyahe sa Miyerkules para  igiya ang isa pang national youth squad sa FIBA U-17 World Championship na nakatakda naman sa Agosto 6-16 sa Dubai.

Inihayag kamakalawa ni FIBA-Asia secretary-general Hagop Khajirian na umatras ang host Qatar sa pamamahala sa FIBA-Asia Under-18 Championships.

Ang Doha-bound team na “Batang Gilas” ay babanderahan ni  Los Ange­les Cathedral standout Kobe Paras.

Si Paras ay nakatakdang dumating kahapon ma­tapos makakuha ng clea­rance mula sa Cathed­ral sa California.

Show comments