Roach sa style ni Algieri: Mahilig tumakbo

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang multi-titled trainer na si Freddie Roach na maibibigay nila ni Manny Pacquiao ang unang talo ng Amerikanong si Chris Algieri sa pagtatagpo ng dalawang boksingero sa Nobyembre sa Macau.

Pinuna ni Roach ang pagtakbo ni Algieri sa loob ng ring na aniya'y ayaw ni Pacquiao.

“His style, he's a bit of a runner. Pacquiao doesn't particularly like fighting guys who run so much,” paliwanag ng trainer kay Scott Christ ng badlefthook.com.

Kaugnay na balita: 'Jab lang katapat ni Pacquiao' - promoter

Nauna nang sinabi ng promoter ni Algieri na jab lamang ang magpapabagsak kay Pacquiao, bagay na paghahandaan ni Roach.

“We'll figure out a way to beat him. It's not a problem. He's got a good jab. That's it."

Sa 20 laban ng Amerikano ay walo lamang ang stoppage at ang nalalabi ay pawang nauwi sa desisyon.

Magtatagpo sina Pacquiao at Algieri sa Nobyembre 23 sa Cotai Arena ng The Venetian Resort sa Macau.

Show comments