Nadal may tiket na sa semis
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2014 - 12:00am

PARIS--Naipanalo ni Rafael Nadal ang huling 10 laro sa second set patungo sa kanyang 4-6, 6-4, 6-0, 6-1 panalo kontra kay No. 5 seed David Ferrer para angkinin ang isang semifinals berth sa French Open.

Makakatapat ng eight-time champion na si Nadal sa semis si Wimbledon champion Andy Murray.

Laban kay Ferrer, dinispatsa ni Nadal ang kanyang ginagamit na off-target backhand para sa mas magandang topspin-heavy forehand.

Ito ang ika-33 sunod na panalo ni Nadal sa French Open at pinaganda ang kanyang record sa event sa 64-1.

Ang kanyang tanging kabiguan ay kay Robin Soderling sa fourth round ng torneo noong 2009.

Nagposte naman si Murray ng 6-4, 6-1, 4-6, 1-6, 6-0 panalo laban kay No. 23 Gael Monfils ng France para maitakda ang kanilang semis match ni Nadal.

Sa isa pang men’s semifinal ay maglalaban sina No. 2 Novak Djokovic at No. 18 Ernests Gulbis.

Sa women’s division, umabante sa semis sina No. 4 Simona Halep ng Romania at No. 28 Andrea Petkovic ng Germany sa unang pagkakataon.

Makakaharap naman ni 2012 champion Maria Sharapova sa semis si 18th-seeded Eugenie Bouchard ng Canada.

ANDREA PETKOVIC ANDY MURRAY DAVID FERRER ERNESTS GULBIS EUGENIE BOUCHARD FRENCH OPEN GAEL MONFILS MARIA SHARAPOVA NADAL NOVAK DJOKOVIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with