2 pang bagong team papasok sa PBA
QH (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa pag-akyat ng atten­dance at TV ratings sa ka­tatapos lang na 2013-2014 Phi­lippine Cup, hangad ngayon ng PBA ang pagpa­palaki ng bilang unang play-for-pay league sa Asya.

Ngayong season, nagtala ang PBA ng pitong playdays na dinumog ng higit  20,000 manonood, ka­bilang ang dalawa sa Phi­lippine Cup finals, habang may natitira pang dalawang conferences.

Sa tatlong conferences noong nakaraang season, apat na playdays lamang ang nagrehistro ng sobra sa 20,000 manonood.

Tumaas ang TV ratings sa Game 6 ng nakaraang Philippine Cup finals tampok ang viewership peak na 5.4 milyon at au­dience share na 53.7 percent na nagpakita sa malakas ni­lang tambalan ng TV5.

Bubuksan ng PBA ang kanilang 40th season sa dulo ng taon matapos ang pagsabak ng national team sa FIBA World Cup sa Spain na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 at ang Asian Games sa Incheon sa Set­yembre 19 hanggang Oktubre 4.

Inilunsad ang PBA no-ong 1975 kasama ang si­yam na prangkisa.

Bumaba ang membership sa anim noong 1985, tumaas sa walo noong 1990 at siyam noong 1999 hanggang umabot sa 10 teams.

Sa Huwebes ay magdedesisyon ang PBA Board of Governors sa aplikasyon ng dalawang prangkisa.

Kung maaaprubahan ang aplikasyon, bubuksan ng PBA ang kanilang 40th season na may record na 12 teams.

Noong Biyernes ay nagsumite ang Ever Bilena Cosmetics ng isang letter of intent para makasama sa PBA na pinirmahan nina chairman at chief executive officer Dioceldo Sy at chief operating officer Silliman Sy.

Gagamitin ng Ever Bi­le­na ang kanilang Blackwa­ter brand sa PBA kung ma- aaprubahan ang kanilang aplikasyon.

Kamakailan ay nagpa­dala ang Columbian Autocar Corp. ng kanilang let­ter of intent na pirmado ni president Ginia Roxas Do­mingo.

Gagamitin ng Columbian ang Kia bilang brand kung aaprubahan ang ka­nilang aplikasyon.

ASIAN GAMES BOARD OF GOVERNORS COLUMBIAN AUTOCAR CORP DIOCELDO SY EVER BI EVER BILENA COSMETICS GAGAMITIN PBA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with