Mikee guest sa SCOOP

MANILA, Philippines - Magiging bisita sa SCOOP sa Kamayan sa Padre-Faura ang bagong luklok sa International Olympic Committee (IOC) na si Mikee Cojuangco-Jaworski para magbigay  ng kanyang ulat sa mga balak gawin para sa Philippine sports.

Usapin din sa pagha­handa ng Pilipinas sa  equestian sa Myanmar SEAG ang matatalakay din kay Co­juangco-Jaworski dahil siya ang corporate secretary ng  Equestrian Associationi of the Philippines.

Dadalo rin si Amateur Softball Association of the Philippines operations manager Ismael “Jun” Veloso para magbigay ng ulat sa mga balak na programa ng ASAPhil lalo pa’t hindi kasali ang sport sa Myanmar sa Disyembre.

 

Show comments