Australian triathletes nanggulat sa Cobra Ironman

LAPU-LAPU City, Cebu , Philippines  --Lumabas ang bangis ng mga Australian triathletes nang kunin nila ang unang apat na puwesto sa kalalakihan sa idinaos na 2013 Cobra 70.3 Ironman na sinimulan at tinapos sa Shangri-La’s Mactan Resports & Spa sa Lapu Lapu City, Cebu kahapon.

Ang 33-anyos na si  Courtney Atkinson, na nakapag­laro sa 2008 Beijing at 2012 London Olympics, ang siyang lumabas bilang pinakamahusay sa taong ito matapos isu­mite ang pinakamabilis na oras sa 1.9-km swim na 23:50 at sa 90-km bike na 2:12:38 para katampukan ang 3:58:07 kabuuang tiyempo.

Hinubaran ng titulo ni Atkinson ang nagdedepensang kampeon at kababa­yang si Pete Jacobs na nalagay sa pangalawang puwesto sa 3:59:09 ti yempo.

Ang iba pang Australian triathletes na sina David Dellow at dating kampeon Chris McCormack ang puma­ngatlo at pumang-apat sa 4:02:22 at 4:03:15 bago pumasok si  Brent McMahon ng Canada na may 4:04:05 tiyempo.

Hindi naman nabigo si defending women’s champion Caroline Steffen sa adhikaing manalo uli nang ilampaso ang mga kasaba­yan sa 4:16:12 oras. 

 

Show comments