Sabal, Agura wagi sa Milo Lipa City leg

MANILA, Philippines - Inangkin ng mga elite runners na sina Gerald Sabal at Janette Agura ang kampeonato sa 37th National MILO Marathon Lipa City leg kahapon.

Ang 27-anyos na si Sabal ay naorasan ng 1:21:06 para hiyain ang hamon  nina Nelson Eligiran (1:21:11) at Ronilo Moreno (1:26:04)

Kondisyon naman ang 35-anyos na si Agura na may 1:31:36 tiyempo para manaig sa mas batang katunggali na sina Cindy Lorenzo (1:35:11) at Jocelyn Eligiran (1:44:53). Bukod sa puwesto sa National Finals, sina Sabal at Agura ay tumanggap din ng tig-P10,000.00 bilang unang gantimpala.

Show comments