Talk ‘n Text idinemanda ang Gulf Air
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dalawang taon na ang nakararaan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring paliwanag ang Gulf Air hinggil sa pagkansela nito sa tiket ng Talk ‘N Text pabalik sa Maynila mula sa Dubai.

Kaya naman nagsampa na ng demanda kaha­pon ang mga players at staff ng Tropang Texters na pagmamay-ari ng Phi­lippine Long Distance and Telephone Company laban sa Gulf Air.

Ang demanda ay isi­nampa ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud sa ngalan ng Talk N’ Text team, ayon kay PBA legal counsel Atty. Melvin Mendoza.

“We have written them several demand letters but up to this time the airline company has not yet given a satisfactory explanation,” wika ni Mendoza.

Noong Hulyo 21, 2011 ay hindi pinayagan ng Gulf Air na pasakayin ang mga players at officials ng Tropang Texters na nag­kumpirma ng kanilang booking para sa return trip sa Maynila.

Ang mga professional basketball teams ng Talk ‘N Text, Barangay Ginebra at Barako Bull, kasama ang PBA staff, ay bahagi ng PBA delegation na nagtu­ngo sa Dubai noong Hulyo ng 2011 para sa kanilang official games sa harap ng mga Overseas Filipino Workers.

Basta na lamang kinansela ng Gulf Air ang boo­king ng PLDT team na hindi sila binibigyan ng notice.

Dahil dito ay nanatili na lamang sa airport ng Dubai ang naturang mga grupo. 

“The players and officials of TNT went to the check-in counter of Dubai airport at least three hours before their scheduled flight only to be informed that their flights were cancelled,” wika ni Mendoza.

Ang ibang team members ay naghanap ng flight sa ibang airlines para lamang makauwi, habang ang iba ay natulog na lamang sa malapit na hotel para sa flight kinabukasan.

BARAKO BULL BARANGAY GINEBRA CHITO SALUD COMMISSIONER ATTY DUBAI GULF AIR LONG DISTANCE AND TELEPHONE COMPANY N TEXT TROPANG TEXTERS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with