Lotus F1 car ipapasada ni Stockinger sa Manila

MANILA, Philippines - Ipapakita ni Marlon Stockinger, naghahangad na maging kauna-unahang Filipino Formula One competitor, ang kanyang driving skills sa pagmamaneho niya ng Lotus F1 car sa mga kalsada ng Manila.

Isang Lotus F1 car ang dinala para sa Manila Speed Show para imaneho ngayon ni Stockinger sa Quirino Grandstand at sa Mall of Asia grounds bukas.

Ito ang unang pagkakataon na isang F1 car, posibleng nagkakahalaga ng $20 milyon o higit pa, ay papasada sa mga kalsada ng Manila.

Dinaluhan ng 22-anyos na si Stockinger ang press launch kahapon sa Manila Hotel.

“Driving an F1 car is very challenging.  You have to push it to a certain limit. You need to have full control,” wika ni Stockinger, bahagi ng elite Lotus F1 junior team.

Nasa okasyon din si Eric Boullier, ang team principal ng Lotus F1 Team.

“It’s an embassy on wheels. And this is just the beginning,” sabi ni Boullier.

Si Stockinger ay isa sa pitong junior F1 drivers para sa Lotus at inaasahang makakalaban sa actual race.

 

Show comments