Malditas magpapalakas para sa AFC Asian Cup

MANILA, Philippines - Isang training camp sa Manila ang gagawin ng Philippine women’s football team bago tumulak sa AFC Women’s Asian Cup qualifier sa Dhaka, Bangladesh mula Mayo 21-25.

Magsasanay pa ang Malditas sa Turf BGC mula Mayo 1-18 at 50 manlalaro ang tinawag ni coach Ernie Nierras para sa training upang madetermina ang pinal na komposisyon ng Pambansang koponan.

Si dating professional player Jenny Hammond ay sasamahan ang team bukod pa ang ilang Fil-Ams at Fil-Canadians para lumakas ang tsansa na manalo sa Bangladesh.

Qualifying event ang torneo sa Mayo para sa 2014 AFC Women’s Asian Cup na magdedetermina sa limang bansa na magla­laro sa 2015 Fifa Women’s World Cup sa Canada.

Ang Malditas ay naka­grupo sa Group B at makakalaban ang Iran, Thailand at host Bangladesh sa Mayo 21, 23 at 25.

Ang mga kasama sa Malditas ay sina team captain Marielle Benitez, Sam Nierras at Isabella Fernando habang inimbitahan sa Camp   ang mga manlalaro ng UAAP at Philippine team U16 at U19.

Show comments