PNoy binati si Nonito, Jr.

MANILA, Philippines - Binati ni Pangulong Be­nig­no Aquino III si Nonito Do­naire Jr. sa kanyang pana­lo para maidepensa ang kanyang WBO superbantamweight belt laban kay Jorge Arce ng Mexico.

“Sampu ng sambaya­nang Pilipino, buong-kara­ngalan nating binabati si No­nito Donaire, Jr. sa kan­yang ma­tagumpay na pagde­pensa sa kanyang WBO su­per bantamweight belt sa pamamagitan ng third round knockout laban kay Jorge Arce ng Mexico,” ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Muli na namang ipi­­­nakita ni ‘The Filipino Flash’ ang kan­yang husay sa loob ng ring at ibinandera sa buong mun­do ang tibay at lakas ng Pilipino.

“Sumasalamin ang ta­gumpay na ito sa kakayahan ng lahing kayumanggi na harapin at patumbahin ang anumang pagsubok na ating kakaharapin,” ani La­­cierda.

Show comments