Sikat na UAAP coach magiging mentor sa PBA
SLAM DUNKER - Nap Gutierrez (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2012 - 12:00am

Isang PBA assistant coach ang malamang na ma­ging head coach ng isang college team na kamakailan lang ay hindi na nag-extend ng kontrata ng kanilang coach.

Mukhang magkakasundo na sila kaya malapit na rin siguro nilang ihayag na siya na ang hahawak ng team simula sa 2013.

***

Ang dating PBA player na si Willie Generalao ay tatakbong konsehal sa kanilang lugar.

Si Willie ay isa sa pinakamagaling na point guards noong panahong naglalaro pa siya sa PBA.

***

Isang sikat na UAAP head coach ang malamang na mahirang na bagong head coach ng isang PBA team pagpasok ng susunod na conference.

Asahan na natin ang announcement pagkatapos ng ongoing PBA conference.

***

Isang sikat na PBA player ang nag-attend kama­kailan lang ng isang event na may mga showbiz writers din in attendance.

Lumapit ang isang tabloid editor sa kanya dahil crush na crush niya si player noon pa.

Pero habang ini-interview niya si player, may napansin siyang ikina-turn off niya.

As in super turn off si­ya.

“Ang dami niyang tu­tuli. Ang dumi ng tenga ni­ya....eewww,” sabi ni edi­tor.

Magmula nun, iniha­yag ni editor na hindi na niya idol si player.

Hahahahahahahahaha....

***

Isa namang showbiz per­sonality ang head over heels sa isang sikat pa ring pro player.

Ang dream niya?

Makalapit lang, ma­kamayan at makita si player ng personal.

Nagkaroon siya ng pag­kakataon na matupad ang wish niya nu’ng min­san siyang nanood sa Smart Araneta Colise­um.

Hinintay niyang lumabas sa dug out si player.

Naloka siya dahil nu’ng makita niya si pla­yer na naka-sandals pa, tumambad sa kanya ang paa ni player na halos la­hat ng kuko ay patay!

***

Nakakaloka ang isang NFL player sa Kansas City na minarder ang kanyang girlfriend at pag­katapos ay binaril ang kanyang sarili sa ha­rap ng kanyang head coach at team manager.

Grabe!

ASAHAN ISANG KANSAS CITY NIYA PLAYER SHY SI WILLIE SMART ARANETA COLISE WILLIE GENERALAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with