Roach binawi ang paratang kay Marquez

MANILA, Philippines - Sinabi ni trainer Freddie Roach na nagbibiro lamang siya nang paratangan si Juan Manuel Marquez na gumagamit ng ipinagbabawal na performance-enhancing drugs (PEDs).

Ayon kay Roach, nagulat lamang siya sa mabilis at biglaang paglaki ng katawan ng 39-anyos na si Marquez.

“I was only joking,” wika ni Roach sa panayam ng Fight Hype dalawang araw matapos niyang sabihin sa USA Today na gumagamit si Marquez ng PEDs para mabilis na lumaki ang kanyang katawan bago ang kanilang ikaapat na upakan ni Manny Pacquiao.

“The thing is, he put on a lot of muscle and if you can do that by weight lifting, that’s amazing,” sabi ni Roach kay Marquez. “I workout everyday and I don’t get those kind of muscles.”

Sa alegasyon ni Roach kay Marquez, si strength and conditioning coach Angel ‘Memo’’ Hernandez ang nagbibigay ng PEDs sa Mexican fighter.

Si Hernandez ay nalagay sa kontrobersya nang aminin nina American track stars Marion Jones at Tim Montgomery na ang una ang nagbibigay sa kanila ng steroids bago ang kompetisyon.

Show comments