Pacman nasa pokus ang pagpapakundisyon

LOS ANGELES via PC­SO - Tiniyak ni world eight-division champion Manny Pacquiao na walang abala sa kanyang paghahanda para sa kanilang ikaapat na laban ni Juan Manuel Marquez.

Isang linggo na lamang bago ang laban sa Dis­yem­bre 9 (Manila time)  at matapos ang pagsasanay sa Wild Card Gym, nasa kanya nang pinakamahusay na kondisyon si Pacquiao at handa nang tuldukan ang mga kontrobersiya ng kanilang huling tatlong laban ni Marquez.

Sinasabing ang kata­wan ng People’s Champ ay bumalik sa porma nito tatlo o apat na taon na ang nakaraan.

Mas pinalakas din ang kanyang kamao at nagdag-d­ag ng bilis sa kanyang paa na pinaniniwalaan ni chief trainer Freddie Roach na mahalaga sa kanilang upakan ni Marquez.

Ngunit ang pinakama­gandang nangyari nga­yon ay nabawasan kundi man ay naalis na ni Pacquiao ang mga karaniwang abala sa kanyang buhay.

Para kay Pacquiao, nakamit na niya ang tagumpay hindi sa loob ng ring, kundi sa kanyang buhay.

Show comments