Lakers isinalya ang Nets

LOS ANGELES -- Hu­mu­got si Kobe Bryant ng anim sa kanyang 25 points sa huling dalawang minuto pa­ra akayin ang Los Angeles Lakers sa 95-90 panalo la­ban sa Brooklyn Nets sa unang laro ni head coach Mike D’Antoni.

Humakot si Dwight Ho­ward ng 23 points at 15 re­bounds sa kabila ng kanyang matamlay na 7-for-19 shooting sa freethrow line pa­ra sa Lakers.

Nagdagdag sina Pau Ga­sol at Metta World Peace ng tig-17 markers para sa La­kers.

Ang panalo ng Lakers ang tumapos sa five-game win­ning streak ng Nets.

Tumipa si Brook Lopez ng 23 points at may 22 si De­ron Williams para sa Bro­oklyn.

Nagdagdag si Joe Johnson ng 14 points para sa Nets.

Sa iba pang laro, tinalo ng New York ang New Or­leans, 102-80, sa likod ng 29 points ni Carmelo Antho­ny, ha­bang giniba ng Philadelphia ang Toronto, 106-98, mu­la sa 21 markers ni Jason Richardson.

Show comments