Bakers, super chargers umiskor

MANILA, Philippines - Naipakita ng Café France ang larong hinaha­nap ni coach Edgar Maca­raya nang gulatin ang Erase Xfoliant mula sa 73-58 pa­nalo sa PBA D-Lea­gue As­pirants’ Cup ka­hapon sa Yñares Sports Are­na sa Pa­sig City.

Tumapos si Roger Po­goy bitbit ang 18 puntos, habang 10 ang ginawa ni Jan Jamon para sa 2-1 ba­raha ng Bakers.

Bumaba naman ang kar­ta ng Erasers sa 2-2 at ininda ang mahinang shooting percentage ng ka­mador na si Jett Vidal at Nate Matute.

Si Vidal ay tumapos na may 11 puntos mula sa 4-of-12 shooting, habang si Matute ay may 3-of-12 para sa 9 puntos.

Sa ikalawang laro, dinomina ng Big Chill ang Cebuana Lhuillier, 81-61.

Sinaluhan ng Big Chill sa li­derato ang NLEX mula sa magkatulad nilang 3-0 marka.

 

Show comments