Pampa-suwerte tips sa Year of the Water Tiger

Gong Xi Fa Cai sa aking mga KasamBuhays!

Ayon sa sikat na Chinese tradition ng Feng Shui, Year of the Water Tiger ang 2022!  Kaya naman ako ay nananalig na tayong lahat ay mas mabibiyayaan ng suwerte, pagpapala, at kaligayahan ngayong taon. 

Simbolo ng katapangan

Ang hari ng mga hayop sa China—ang mga ipinanganak sa ilalim ng Chinese zodiac sign na ito—ay pinaniniwalaang matatapang at uhaw sa kaalaman. Ayon kay Tiffany Lin, isang Chinese astrology specialist, ang mga taong ipinanganak sa year of the tiger ay malalakas ang loob, mapanuri, at mga ambisyoso.  Sila’y mapag-isa at napaka- independent. Ayon sa kilalang Feng Shui Master na si Hanz Cua sa aming panayam, ang mga tigre ay kasundong-kasundo ang mga indibiduwal na ipinanganak sa year of the horse, dog at pig. Hindi naman nila kasundo ang mga ipinanganak sa year of the monkey.  Napakahilig kasi ng mga ‘monkey’ na makihalubilo iba sa na siyang kabaliktaran naman ng ugali ng mga tigre na ang gusto ay mapag-isa.  Pagdating sa career o trabaho at usaping pananalapi, importante sa mga indibiduwal na ipinanganak sa year of the tiger ang tagumpay o achievements.  Pero dahil sa katangian nilang naghahanap ng excitement, minsan ay iniiwan nila ang kanilang mga trabaho lalo na kung ramdam na nila ang pagkainip.  Importante nilang tandaan na dapat silang magfocus at unahin ang mga dapat gampanan upang makamit nila ang kanilang gustong marating at mga dapat tapusin. 

Pampa-suwerte tips

Ayon kay Master Han, ang mga masuwerteng kulay at elemento para sa taong ito ay yellow-gold. “Ang dilaw ay isang elemento ng apoy. Sa taong ito, ang apoy at ginto ay mga elementong mapagkukuhanan ng swerte. Sila po yung nagdadala ng opportunidad at ng pagpapala,” paliwanag ni Master Hanz. 

Ang susunod na ma-swerteng elemento ay ang metal. “Ang metal element ay ang mag-eenhance ng wisdom, creativity, and ideas this year,” ayon kay Master Hanz.

Ang metal at ang apoy ang mga nawawalang elemento sa charts ngayong taon.  Kaya pinapayuhan ang lahat na kailangan nating magdagdag ng mga kahawig ng mga elementong ito sa ating buhay, gaya ng pagsusuot ng damit na may yellow-gold o metal na kulay. Kailangan itong sabayan ng tuluy-tuloy na paghahanap ng mga oportunidad, pagtanggap ng mga pagbabago para sa ikabubuti ng buhay, at patuloy na pagiging malikhain. 

Mga praktikal na Feng Shui tips na hindi kailangang gastusan

Ang Chinese zodiac signs ay 12 hayop -- ang Daga, Baka, Tigre, Kuneho, Dragon, Ahas, Kabayo, Kambing (Tupa), Unggoy, Tandang, Aso, at Baboy. Ang bawat hayop ay may iba’t ibang katangian na nauugnay sa iba’t ibang taon ng kapanganakan. 

Gusto mo bang malaman ang mga gabay para sa zodiac sign mo ngayong taon? Narito ang ilan sa mga payo ni Master Hanz kung paano mapapaganda ang pasok ng suwerte ngayong taon, at kung ano ang mga pangontra sa malas. 

Daga

Mga taon ng kapanganakan: 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020

Mga katahingan: Go-getter, kaakit-akit, madaldal, malikhain, malihim, kuripot

Ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng taon ng mga daga ay magkakaroon ng tagumpay ayon kay Master Hanz. Pero kailangang mag-focus at maging hands-on sa iyong karera at negosyo.  Ipinayo rin niyang maglagay ng victory flag charm sa bahay upang pagbutihin pa ang iyong taon. Ayon din kay Master Hanz, ang daga ang isa sa mga pinakamaswerteng sign ngayong 2022.

Baka

Mga taon ng kapanganakan: 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021

Mga katangian: Masipag, malambing, maaasahan, matiyaga, materialistic, matigas ang ulo    Ang money star ay nasa mga taong pinanganak sa taon ng baka.

Maganda raw na maglagay ng money o prosperity tree charms sa north east sector ng iyong bahay o lugar kung saan ka madalas nagtatrabaho para mas pumasok pa ang swerte sa buhay mo ngayong 2022. 

Tigre

Mga taon ng kapanganakan: 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010

Mga katangian: May paninindigan, walang kinatatakutan, karinyoso, mayabang

Kung sa tingin mo ay mas suswertehin ka dahil sa ikaw ay ipinanganak sa ilalim ng taon ng tigre at ngayon ay taon ng tigre, ayon kay Master Hanz, mali ito. Kahit na ang money star ay nasa iyo, kailangan mo pa ring dagdagan ang suwerte sa buhay mo ngayong taon. Kailangan mo ng Tai Shui cure o appeasing amulet upang suwertehin. 

Kung ikaw ay walang pera pambili ng lucky charms para sa iyong bahay, maglagay ng mga barya, asin, at bigas malapit sa bintana at pinto ng iyong bahay upang mapapasok ang swerte sa buhay mo. Palitan ito lingo-linggo at huwag nang gamitin o lutuin ang bigas at tubig.

Kuneho

Mga taon ng kapanganakan: 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023

Mga katangian: Mapagmalasaki, sensitibo, mapanlikha, mahiyain

Ang mga indibidwal na pinanganak sa ilalim ng zodiac sign na ito ay magiging lapitin ng mga argumento, kaso, at away dahil sa bilis nilang uminit ang ulo. Kailangan mong kumalma at huminga nang malalim bago ka magpaapekto sa isang bagay na maglalagay sa iyo sa alanganin. Ang payo ni Master Hanz ay magdisplay ng anti-court case cure at ilagay sa east sector ng iyong bahay o lugar ng trabaho. Paalala, maging kalmado lamang. 

Dragon

Mga taon ng kapanganakan: 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024

Mga katangian: Aktibo, mapagbigay, matalino, perfectionist, makasarili, hindi mapagparaya

Masuwerte sa buhay-pag-ibig, edukasyon, at eksaminasyon ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng taon ng dragon. Payo ni Master Hanz, pagtuunan ng pansin ang iyong mental health at mag-ingat sa mga bagay na iyong pino-problema dahil ito ay makakaapekto sa iyong paparating na mga swerte. Matutong alagaan ang iyong sarili para higit na suwertehin. 

Ahas

Mga taon ng kapanganakan: 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025

Mga katangian: Matalino, matanong, hindi mapakali, tuso, seloso

Ang suwerte sa pag-ibig, eksaminasyon, at edukasyon ay nasa mga taong ipinanganak sa sign na ito. Mag display ng abacus sa south east sector ng inyong bahay upang pagandahin ang iyong swerte sa pag-aaral, lalo na pagdating sa mga bagong bagay. Para naman mapaganda ang swerte mo sa pag-ibig, magdisplay ng rose quartz o mandarin sa south east sector din ng inyong kuwarto o bahay. 

Kabayo

Mga taon ng kapanganakan: 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, 2026

Mga katangian: Kawili-wili, ma-impluwensya, passionate, independent, mainitin ang ulo

Ang kabayo ay Isa sa mga kaibigan at kakampi ng tigre. Maraming tagumpay sa buhay ang darating sa iyo ngayong taon. Aanihin mo na ngayong 2022 ang mga itinanim mong mga plano noong mga nakaraang taon. Kung ikaw ay nais magkaanak ngayong taon, ang fertility star ay nasa pabor mo rin. 

Kambing / Tupa

Mga taon ng kapanganakan: 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027

Mga katangian: Mahinahon, maawain, mapanlikha, masayahin, makalat, pabigla-bigla, tamad

Balanse lang ang iyong taon. Hindi magiging masyadong masagana, at hindi rin naman ganun kasama. Ingatan ang iyong pisikal na pangangatawan, ayon kay Master Hanz, ugaliing mag-ehersisyo at magpatingin sa doktor kung kinakailangan upang maiwasan ang paglala ng iyong kundisyon. Maglagay ng Wu Lou charm sa south west sector ng iyong bahay. Ito ay aakit ng swerte para sa iyong kalusugan.

Unggoy

Mga taon ng kapanganakan: 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016, 2028

Mga katangian: Nakaka-engganyo, matalino, positibo sa buhay, palakaibigan, maingat

Maraming pagsubok ang mararanasan mo ngayong taon, lalo na sa usaping pera at kalusugan. Ang unggoy ay direktong kalaban ng tigre. Gaya ng payo ni Master Hanz para sa kambing / tupa, maglagay ng Wu Lou at Tai Shui charms sa south sector ng iyong bahay o kuwarto. Kapit lang, KasamBuhay.

Tandang

Mga taon ng kapanganakan: 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, 2029

Mga katangian: Matapang, mapagbigay, nakakatawa, tapat, arogante

Mag-ingat sa mga sasabihin mo ngayong taon dahil baka ito ay magdulot sa iyo ng mga problema o pagtatalo, at maghatid din ng scams o pagnanakaw. Protektahan ang iyong sarili sa paglagay ng Fu Dog, Rhino Elephant, o anti-jealousy charms sa west sector ng iyong bahay. Mas kaunti ang sasabihin, mas malaki ang tsansang hindi ka mapapasabak sa gulo. 

Aso

Mga taon ng kapanganakan: 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018, 2030

Mga katangian: Laging nakasuporta, totoo, maaasahan, mapagbigay, mapangutya, hindi mapakali

Isa pa sa mga mabuting kaibigan ng mga tigre. Ngayong taon, maswerte ka sa buhay-may-asawa, pag-ibig, at oportunidad sa pera at negosyo. Ang katanyagan at pagkilala ay iyo ring makakamit. Para ang iyong suwerte ay mas mapa-igting, maglagay ng horse charm sa south sector ng inyong bahay, at tiger charm at money bag sa north sector, at rose quartz sa south sector. 

Baboy

Mga taon ng kapanganakan: 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, 2031

Mga katangian: Mabait, mapagbigay, matalino, palakaibigan, matatakutin, mainipin, maramot

Ang pinakamaswerteng sign ngayong 2022; kaibigang matalik ng tigre. Makinabang sa pagkakaibigang ito sa tigre at magsuot ng friendship charms para mapalago ang swerte sa koneksyon, at sa mga magagandang proyekto at plano. Maglagay din ng tiger charm sa north sector ng iyong bahay para maging mag masagan ang iyong taon.  

Paalala lamang, mga KasamBuhay, na mga gabay lamang ang mga ito para mas mapagaan ang iyong buhay at mas mapanatili ang iyong positibong pananaw.  Sa huli, kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili, hindi ka magsisipag, magpapasalamat sa mga biyaya, at magiging mapagmahal sa iyong sarili at sa kapwa, kahit gaano karaming lucky charms ang iyong ilagay sa iyong bahay, hindi nito mababago at mapapasagana ang iyong buhay.

------

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 6:00-7:00 p.m. Monday, Tuesday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at editorial@jingcastaneda.ph. 

Show comments