Bongbong-Digong tandem

PALAGAY ng mga bright sa politics mukhang Bongbong-Digong ang tatakbong president at vice president sa darating na eleksyon.

Bakit?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umatras daw si Inday Sara na tumakbong president matapos tanggapin ni Boss Digong ang kanyang nominasyon na vice presidential candidate ng PDP-Laban.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO­, nanghihinayang sila sa pag-atras ni Inday Sara dahil dama ng madlang Pinoy na mananalo ito at malaki ang magiging pagbabago ng Philippines my Philippines kung ito ang mananalong presidente.

Ano sa palagay ninyo?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw ni Inday Sara na dalawa pa sila ng kanyang erpat ang mag-tandem, hehehe!

Sabi nga, Duterte-Duterte.

‘‘Kaya aatras na lamang ang anak ni Boss Digong,’’ sabi ng kuwagong nahihilo sa pagkalito.

Nauna rito, nagdeklara naman si Senator Tito Sotto na vice presidential candidate ka-tandem si Senator Ping Lacson bilang president.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala pang malinaw na balita kung magta-tandem sina Pacquiao-Isko sa May 2022 presidential election.

Kambiyo issue, sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming gustong tumakbong senador­ next year, mga re-electionist at mga dating senador na natalo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masikip ang bakbakan sa pagka-senador next year election.

Abangan.

Show comments