Malacañang malamig sa extension ng ECQ

Nirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapalawig ng isa pang linggo ng ECQ sa Metro Manila­ pero tila malamig ang pagtanggap ng Palasyo sa reko­men­­­­dasyong ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung kailangang palawigin ang ECQ, ito’y magiging “last resort” lamang o Ibig sabihin, kung talagang hindi mapipigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa DOH, kailangan ang dalawang linggong exten­sion para maramdaman ang epekto ng ECQ sa pagpa­pababa sa kaso ng COVID-19. Hindi naman inaalis ng Mala­­cañang ang posibilidad na magkaroon ng extension.

Magkasamang magpupulong ang DOH at National Eco­nomic Development Authority (NEDA) upang tukuyin­ ang epekto ng ECQ sa ekonomiya. Sa panig ng DOH, nani­ni­wala ito na hindi sapat ang isang linggong ECQ para mag­tuluy-tuloy ang pagbaba o downtrend sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Roque, magpupulong muli ang IATF sa Sabado para masusing talakayin ang merito ng panukala. Ang ipi­natupad na pansamantalang ECQ ay matatapos na sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 4.

Mahirap na krisis ang dinaranas natin ngayon at kahit ang Pangulong Duterte mismo ay umaming nahihirapan na siya. Sa Semana Santang ito, lumagi na lang tayo sa bahay at gugulin ang mga oras sa panalangin. Naniniwala ako na bukod sa medical intervention dapat mangibabaw ang Divine Intervention para matapos na ang problemang ito.

Show comments