^

Away bata

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2020 - 12:00am

Ayon sa Republic Act 7610, protektado ang mga bata sa lahat ng uri ng pang-aabuso, pagpapabaya, kalupitan, diskriminasyon at lahat ng kondisyon na hadlang sa kailang pag-unlad. Ayon sa batas ay may mga kaparusahan na nakasaad para protektahan at isulong ang interes ng mga bata. Ano ba ang ibig sabihin ng child abuse? Ano ang mga dapat patunayan para mapanagot sa hukuman ang mga lumalabag sa batas? Ito ang ipapaliwanag at sasagutin sa kaso natin ngayon.

Ang kasong ito ay tungkol sa mga batang naglalaro malapit sa kanilang mga bahay. Isang umaga, habang naglalaro sa tabing kalsada at nagbabato ng buhangin/graba, isa sa mga bata, si Tito na onse anyos, ang sumita at nagalit sa kanyang mga kabarkada. Si Nina na isa sa mga kalaro niya ang agad na umuwi at nagsumbong sa nanay nitong si Fely.

Magkasamang sinugod ng mag-ina si Tito para komprontahin sa ginawa nito. Dinuro pa ni Fely si Tito at sinigawan: “Huwag mong pansinin yan. At putang ina yan. Mga walang kuwenta yan. Mana mana lang yan”. Sobrang nasaktan sa sinabi ni Fely, umuwi si Tito na umiiyak. Bandang huli ay kinuwento niya sa ina na si Nita ang nangyari. Nagdesisyon si Nita na magsampa ng reklamo laban kay Fely dahil sa nangyari. Nagkaroon daw ng trauma si Tito dahil sa masasakit na salitang binitawan ni Fely at mula nga nang mangyari ang insidente ay hindi na lumalabas ng bahay para makipag­laro sa ibang bata pati laging binabangungot sa pagtulog.

Kinasuhan si Fely sa RTC para sa paglabag ng batas (Sec. 10[a], Article VI RA 7610 – “Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act”)  Ayon naman kay Fely ay “anak wag mong patulan yan, walang kuwentang makipag-away” ang kanyang sinabi patungkol sa anak na si Nina at hindi raw kay Tito.

Pero ayon sa RTC, nagkasala si Fely at hinatulan ng apat na taon, 9 na buwan, 11 araw hanggang 6 na taon, 8 buwan, at 1 araw ay pinagbabayad ng danyos. Ayon sa RTC, ang masasakit na salita at ang malulutong na mura na binitawan ni Fely kay Tito ay lumikha ng labis na takot sa bata na sanhi ng pagkakaroon nito ng masasamang panaginip. Umapela si Fely sa RTC at kinatwiran na hindi niya hinangad na maliitin, ibaba o bawasan ang dignidad at halaga ni Tito bilang tao dahil ang mga salitang kanyang binitawan ay karaniwang salita lang, at walang bakas na nagkaroon ng sakit sa pag-iisip ang bata.

Pero kinatigan ng Court of Appeals ang RTC sa desisyon nito. Ayon sa CA, ang pagmumura at pagduro ni Fely kay Tito ay indikasyon ng layunin na ipahiya at kawawain ang bata. Saka hindi naman daw mahalaga ang layunin ni Fely dahil sapat na ang salita at gawa para ipahiya ang menor de edad at ito ang pruweba na ginawa ang krimen. Tama ba ang CA?

Ayon sa Supreme Court, mali ang CA. Ayon sa SC ang ibig sabihin ng child abuse ayon sa Sec. 3 (b), Art. 1 ng RA 7610 ay ang pagmaltrato, madalas man o hindi, sa isang bata, kasama na rito ang (1) psychological/physical abuse; (2) anumang kilos o gawa na lumalait, nagpapahiya, o bumabawas sa halaga o dignidad ng isang bata; (3) walang dahilan na pagdadamot sa mga pangangailangan ng isang bata para mabuhay tulad ng pagkain at tirahan; (4) ang hindi pagpapagamot o pagpapabaya sa isang nasaktang bata na malinaw na hadlang sa kanyang paglaki o pag-unlad at naging dahilan ng kanyang kamatayan o tuluyang pagkalumpo.

Kasama rito ang lahat ng paraan ng pag-abuso o exploitation na hadlang sa pag-unlad ng bata at ang layunin ay ang ipahiya, murahin at balewalain ang halaga ng bata alinsunod sa RA 7610, Sec. 10(a), Art. VI. Kaya malinaw na hindi sapat ang pagsigaw at pagmumura sa isang bata lalo kung nagawa lang ito sa tindi ng inis o galit, para sabihin na mayroong ginawang pag-abuso o child abuse.

Walang katibayan na sinadya ang mga salita para maliitin o ipahiya ang dignidad at karapatan ng bata. Sa kasong ito, ang ginawa ni Fely na pagmumura at ang pagbibitaw ng masasakit na salita kay Tito ay hindi sapat na dahilan para sabihin na nagkaroon ng child abuse dahil bunsod lang ito ng galit. Nakapagsalita lang si Fely sa mga bata base sa mga sirkumstansiyang nabanggit.

Pero hindi naman talaga sinadya ni Fely na ipahiya o ibaba ang pagkatao/dignidad ni Tito bilang isang tao. Sa kabilang banda, nakapagsalita lang si Fely sa galit, dahil nga sa pag-aalala bilang magulang sa kanyang anak. Hindi siya puwedeng ipakulong sa ilalim ng RA 7610 at dapat na ipawalang-sala (Talocod vs. People, G.R. 250671, October 7, 2020).

BATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with