Pekeng puting buhangin nakaka-cancer, waldas

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

SAYANG ang P400-milyong synthetic na puting buha­nging itinabon ng gobyerno sa kalahating kilometrong baywalk sa Roxas Boulevard, Manila. Kung tinamnan ng bakawan ang buong 190-kilometrong pampang ng Manila Bay, magkaka-pag­kain, tanawin, at malinis na dagat at hangin ang milyun-milyong Pilipino.

Nakakapag-low cost housing ang Gawad Kalinga nang P125,000. Kung ipinang-relokasyon ng squatters ang P400 mil­yon, 3,200 pamilya sana ang naipabahay, para mapaagos muli ang binarahang estero.

Tatangayin lang ng alon ang pekeng buhangin. Kakalat at kokontamina sa 199,400 ektaryang Manila Bay, anang maka-kalikasang Greenpeace-Philippines. Tinakpan lang ang kapal­pakan ng gobyerno sa pag-rehab ng Manila Bay, anang grupong mangingisdang Pamalakaya.

Pinulbong dolomite ang artificial sand. Masama ito sa tao. Maaring mahirapang huminga kung nasinghot, makasira ng tiyan kung malunok, at makairita ng mata at balat, ani Health Usec. Rosario Vergeire. May mas malala. Sa dala­wang pag-aaral sa US na sinipi ni maritime lawyer Jay Batongbacal, ng Lehigh Hanson Inc. nu’ng 2012 at Lhoist North America nu’ng 2018, iwasan ang malimit at matagalang exposure sa dolomite silica. Kasi nakaka-kanser, seryosong sakit sa baga, at silicosis. Maaring humingi sa korte ang apektado ng Writ of Kalikasan, at danyos.

Kinuha ang dolomite sa Cebu nang walang pahintulot ng lokal na pamahalaan. “Para kaming ninakawan, kasi hindi namin alam, mali ang proseso,” ani provincial board member John Borgonio. Walang bayad ang dolomite mula sa protektadong burol ng Alcoy at Dalaguete.

Hindi muna sinuri ng gobyerno ang epekto sa kalikasan. Nalabag ang Presidential Decree 1586 at Fisheries Code, ani Gloria Estenzo-Ramos, presidente ng Oceana-Philippines.

Ano ang tugon ng Department of Environment and Natural Resources sa lahat ng ‘yan? Gagasta pa raw para patuloy magtambak ng fake sand.

MANILA BAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with