^

PSN Opinyon

Malinis ang hangin pero magmaskara

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BINALIKTAD ng pandemic ang buhay. Maraming kon­tra­diksiyon. Na-hostage ng COVID-19 ang mundo. Napansin n’yo ba?

Luminis ang hangin, pero lahat tayo dapat naka-maskara.

Wala halos sasakyan sa highway pero hindi tayo maka­biyahe.

Ang daming hotels at resorts, pero hindi puwedeng mamasyal.

Marami kang damit sa aparador pero sa bahay ka lang.

Sa araw ng hakot ng basurero iniisip mo kung ano ang isusuot mo.

Malilinis ang ating mga kamay, pero bawal makipag-kamay.

May oras tayo makipagkuwentuhan sa kaibigan, pero malayuan.

Gumaling tayo magluto, pero hindi makapag-imbita sa kainan.

Tuwing Lunes inaasam natin mag-opisina, pero tila hindi matapus-tapos ang Sabado’t Linggo.

Ang mga may pera ay walang mapaggastusan.

Ang mga walang pera ay walang paraan para kumita.

Marami kang panahon, pero hindi maipatupad ang mga pangarap.

Ang may kagagawan nito ay nasa paligid lang, pero hindi makita.

Naglipana ang armas sa mundo pero hindi magapi ang kalaban.

Kapag may lumisan sa mundo, hindi siya masabihan ng paalam.

Patuloy umiikot ang mundo pero tila huminto ito.

Kinikilabutan tayo sa terorista, pero ngayon pati terorista ay kinikilabutan sa sitwasyon.

Hindi tayo makapagsama-samang magsimba, ngayon pa namang mas maraming sumasampalataya at araw-araw nagdarasal.

Marahil pinag-iisip tayo ng Diyos. Akala natin lahat ng gawa natin ay dahil sa ating galing, lakas at talino. Sa pagpakita Niya sa atin ng mga kabaliktaran tinuturuan Niya tayo maging mapagkumbaba, mapagmahal, at matulungin sa kapwa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with