COVID deaths sa US: 104,000!

Naging ugali ko na noong nagsisimula  pa lang lumaganap ang COVID-19 sa Wuhan, China hanggang sa maging pandemic na – ang pagbubukas ng TV tuwing madaling araw upang malaman ang kaganapan ukol sa virus hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Noon, Italy at Spain ang naging concentration ko dahil nga sa pagtaas ng mga infected cases at lalo na ang mga namamatay. Sa Bergamo, Italy nga ay binabasa na ng simbahan ang talaan ng mga namatay sa COVID. Nakakaantig ng puso ang bawat tunog ng kampana.

At nang ang pandemic ay dumapo na sa Unites States naging kapansin-pansin din ang pag-akyat ng bilang ng infected patients na ngayon ay nasa 1.5 million na at 104,000 na ang namamatay. Ang US na ngayon ang may pinakaraming bilang ng namamatay. Noong Abril, nasa 22,000 lang ang namamatay hanggang umakyat ng 36,000; 48,000; 66,000; 77,000; 89,000; 90,000; 99,000; 100,000 at ngayon 104,000.

Dito sa ating bansa, laganap pa rin ang COVID kaya hinihikayat ang lahat na paigtingin ang pag-iingat. Muli nating balikan kung ano ang COVID at kung paano ito kumakalat: “COVID-19 is an infectious disease caused by a newly discovered coronavirus. Most people who fall sick with COVID-19 will experience mild to moderate symptoms and recover without special treatment. The virus that causes COVID-19 is mainly transmitted through droplets generated when an infected person coughs, sneezes, or exhales. These droplets are too heavy to hang in the air, and quickly fall on floors or surfaces.You can be infected by breathing in the virus if you are within close proximity of someone who has COVID-19, or by touching a contaminated surface and then your eyes, nose or mouth.”

Show comments