Contact warning,smart testing para makabalik tayo sa normal
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

Hindi puwede mag-social distancing habambuhay dahil sa COVID-19. Likas sa tao na makisalamuha sa kapwa. Sa trabaho, laro o sampalataya, natural maglapit-lapit, dikit-dikit. Hindi uubra sa pabrika o bukid ang kanya-kanya at layo-layo. Sa team sports at games, patintero o pro basketball, nagkakatamaan, at tabi-tabi ang nanonood. Sa simbahan kapit-kamay pa nga sa ilang ritwal.

Para mag-normal ang buhay dapat makatuklas ng bakuna kontra sa COVID-19. Kapag naging immune ang 60-80% ng populasyon – herd immunity – ligtas na ang mundo sa pandemic.

Hindi matiyak kung ilang buwan o taon bago magka-bakuna. Habang wala pa ito, kailangang patuloy at paulit-ulit ang targeted testing, contact tracing, paggamot sa impek­tado, at community lockdowns.

Samantala kailangang makapaghanapbuhay ang mga walang sakit. Paano sila mapapanatiling malusog? Dito papasok ang teknolohiya.

Dine-develop sa America at Europe ang app, de-GPS o -Bluetooth, na mag-aalerto kung napadikit ka sa isang COVID-19 positive, para magpa-test at mag-self-quarantine ka agad. Maaabisuhan mo ang mga nakadikit mo naman na kakilala na dapat magpa-test at self-quarantine rin sila. Contact warning, tapos smart testing. Organisado at pukado ang kilos ng lahat. Boluntaryong kokonekta lahat sa app: Peer-to-Peer.

Dapat ikabit sa healthcare system ang app, pero hindi kailangan ibigay sa gobyerno ang kontrol. Ang personal data ay nasa kanya-kanyang gadget. Walang peligro na ikalat o magamit sa masama.

Sinasabing 75% ng mamamayan ang may smartphone. Mainam mabigyan ng gobyerno ng simpleng unit – may Wifi – lahat ng wala pa. Mainam din idaan sa malimit na independent audit ang sistema, para matiyak na hindi inaabuso at walang ninanakaw na confidential info mo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with