^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag sulsulan ang mamamayan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag sulsulan ang mamamayan

NAKAHARAP sa mabigat na krisis ang bansa dahil sa pagkalat ng virus ng COVID-19. Pero sa kabila nito, nagagawa pa rin ng grupong Kadamay na sulsulan ang mamamayan para magkagulo. Gaya nang nangyari sa Bgy. San Roque, Pag-asa, Quezon City noong Miyerkules ng umaga. Nagtungo sa EDSA ang mga mahihirap na residente ng Bgy. San Roque dahil meron umanong ipamumudmod na relief goods. Pero nang dumating sila sa EDSA, nakita nila na may mga hawak na placards ang mga miyembro ng Kadamay at nagpoprotesta. Hanggang sa mayroon umanong nambato sa mga pulis at nagsimula nang magkagulo. May naghagis ng bote at kung anu-ano pa. Nagkahabulan at 21 ang naaresto. Inamin naman ng Kadamay sa isang radio interbyu kahapon, na grupo umano nila ang nagsagawa ng protesta.

Sinasamantala ng Kadamay ito ang sitwasyon kung saan marami ang natutuliro dahil kinakapos na ng pagkain dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon na magtatatlong linggo na. Maraming apektado sa ECQ dahil tinigil ang operasyon ng mga kompanya, pabrika, construction, biyahe ng mga pampublikong transportasyon at iba pa. Ginawa ito para mapigil ang pagkalat ng virus. Tatagal ng hanggang Abril 14 ang ECQ. Pinag-aaralan pa kung magkakaroon ng extension sapagkat patuloy pa sa pagdami ang kaso ng COVID-19.

Hindi ito ang unang beses na nagsagawa nang panunulsol ang Kadamay. Sila rin ang grupong umukopa sa mga housing projects para sa mga pulis sa San Jose del Monte, Bulacan. Kahit hindi pa tapos ang mga bahay, pinasok nila at inangkin. Nakatiwangwang lang daw kaya dapat itong pakinabangan.

Pinatawad naman ni President Duterte ang ginawa ng grupo at hinayaang okupahin ng mga ito ang housing na nakalaan sana sa mga pulis. Bibigyan na lang daw ng bagong bahay na mas malaki ang mga pulis. Dahil sa ginawa ng Presidente na pagkunsinti sa Kadamay, ilang housing projects pa sa Bulacan ang kanilang nilusob at inokupa. Nagbanta na si President Duterte na babarilin ang mga miyembro ng Kadamay kapag umulit.

Ngayong may pandemic crisis, nanulsol na naman ang Kadamay para magkagulo. Dapat nang putulan ng sungay ang lider ng grupong ito para wala nang manulsol sa mamamayan. Ipakita na ng Presidente ang kanyang bangis sa Kadamay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with