^

PSN Opinyon

7 maiikling kuwento

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“Pagtanaw sa Nakalipas”

Ininterbiyu ko si Lola para sa research sa klase. Tanong ko kung ano, sa sarili niyang salita, ang “mapalad”. Aniya, “Mapalad ka kung, sa pagtanaw mo sa mga alalala sa iyong buhay, ay napapangiti ka.”

“Talo ng Pagmamahal ang Sakit”

Nang makita kong nasagasaan ng kotse ang aking aso, napaupo na lang ako sa bangketa, kinandong ito at umiyak. At bago ito nalagutan ng hininga pinawi ng dila niya ang mga luha sa aking pisngi.”

“Pagsasama-sama”

Nang pumaligid kami nina Tatay at lima kong kapatid sa kama ni Nanay sa ospital, ang huling salita niya ay: “Ramdam na ramdam ko ngayon ang labis ninyong pagmamahal. Sana mas malimit tayong nagsama-sama nang ganito.”

“Pagpadama ng Giliw”

Hinalikan ko sa noo si Itay nang malapit nang pumanaw sa maliit na kama sa ospital. Limang sandali matapos siyang mamatay nabatid ko na noon ko lang siya muli nahalikan sa noo mula nu’ng musmos pa ako.

“Kaligayahan”

Pinanood ko ang 27-anyos na pasyente ng cancer na tawa nang tawa, parang walang kamatayan, sa mga pa-cute ng 2-taon-gulang na anak. Saka ko naisip, tama na ang pag-angal at ipagdiwang ang buhay.

“Kabutihan”

Napansin ng bata sa wheelchair na hirap akong mag-saklay para sa napilay na paa. Dinala niya ang mga libro ko at hinatid ako hanggang sa klase sa campus. Bago umalis, aniya sa akin: “Sana gumaling ka agad.”

“Pagbabahagi”

Sa paglakbay sa Kenya nakasalubong ko ang refugee mula Zimbabwe. Payat at nanghihina, aniya hindi pa siya kumakain nang tatlong araw. Agad iniabot ko ang sandwich na kakakagat ko pa lang. Agad niyang sinabi, “Huwag naman lahat ito; hati na lang tayo.”

vuukle comment

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with