Si Mr. Incompetent man ng Immigration
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

NAISULAT ng inyong likod sa mga nakaraang issue ang pagi-ging “INCOMPETENT” ni Papa G, sa puesto niya sa Bureau of Immigration.

 Hayaan ninyong balikan natin ang mga kapalpakan ng ating bida, taong 2019 nang isagawa ng Bureau of Immigration ang ISO accreditation upang maging maayos ang pagpapatupad ng mga polisiya at guidelines sa nasabing ahensya.

Lalo na ang BI Port Operations Division ay kritikal dahil ang tanggapang ito ang may hawak sa mga immigration officers bukod pa sa mga problema sa paghaba ng pila ng mga pasahero na dapat bigyang pansin ng mga taga-BI.

Dahil nga, Mr. Incompetent Man si alyas Papa G, wala itong ginagawa kundi ang tumambay sa DoJ?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Habang isinasagawa ang ISO accreditation sa BI Main Office, na nilahukan ng mga hepe ng iba’t ibang division, section at unit ng BI, ang ating bidang si Papa G ang bukod tanging wala sa eksena habang ang kanyang mga galamay ay nagkakanda-kumahog kung papaano sasagutin ang mga pinukol na mga katanungan ng kanilang Commissioner.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kagandahang palad ay dumating naman ang ating bida at siya ang naisalang sa question and answer portion sa panel ng mga Commissioners.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dito nasubukan ang galing at talino ni Papa G na halos mamilipit ang dila sa pagsagot ng doremi! Hehehe.

Sabi nga, nabobo ang ating bida at ang rason kung bakit daw siya nahuli ng dating ay dumalo pa raw siya ng meeting sa Air Operators Council.

Tanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit kaya binalewala ni Papa G ang Personnel Order ni Commissioner!?

Dahil ba sa maiipit siya sa question and answer portion?

Hindi ba siya nag-aral o talagang walang alam?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Friday ay may isinagawang Strategic Planning ang buong BI na dinaluhan ng mga hepe ng bawat division, section at unit.

Ano ang nangyari?

 As usual dumating ng tanghali si Papa G upang makikain lang ng tanghalian at umiwas sa kahihiyan sa pagsagot sa panel?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dahilan naman ngayon ni alyas Papa G ay siya raw ay naimbitahan sa okasyon sa ADB!

Oh my God!

Talaga ha!

Muling binalewala ni Mr. Incompetent ang Personnel Order ni Commissioner Morente. 

Ayon sa mga kuento ng mga asset ng ORA MISMO, habang sarap na sarap sa pagkain ng tanghalian si alyas Papa G ay nagtatanong pa raw ang kumag kung sinong mga hepe ang dumalo sa pagpupulong.

Aba naghahanap pa ng kadamay ang napakagaling na si Mr. Incompetent Man?

Upang makabawi sa kanyang pagdating ng super late ay nagbigay pugay si alyas Papa G kay Commissioner Morente at inalay ang kanyang kamay upang kamayan ang kanyang Bossing.

Ano ang nangyari?

Inisnab ni Commissioner Morente si alyas Papa G na parang walang nakita.

Kaya hayun parang asong bahag ang buntot, ang kahihiyan na nangyari kay Mr. Incompetent!

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

MR. INCOMPETENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with