4 passengers hinugot sa NAIA T3

APAT na pasaherong patungong Dubai na sasakay sana ng eroplano ng Emirates Airline flight EK-335 ang diumano’y pinahabol at pinahugot ni Timme Barizo, ang newly assigned overall chief ng BI-Travel Control Enforcement Unit, dahil sa sumbong na may problema diumano ang mga ito sa dokumento?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang akala nila ay sagrado este mali sarado ang operasyon ng human trafficking sa NAIA T3?

Kung sarado, bakit may nahugot?

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  kung paano nakalusot sa Immigration Travel Control Enforcement Unit ang apat na pasahero na diumano’y may depektibong documents going to Dubai?

Sino ang pumalo sa passport na immigration officer dito?

Sabi nga, dapat imbestigahan.

At siempre, sino ang nakapatong? Mayroon kaya?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat i-turnover sa NAIA-NBI ang apat na hinugot na pasahero para maimbestigahan nila kung original o peke ba ang ginamit na affidavit of support at resibo ng Consulate?

Sabi nga, para malaman kung sino ang pumeke at saan ito ginagawa?

‘Hindi ba edited ang visit visa nila?’ tanong ng kuwa­gong nanghuhula.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawa kasing klase ng visa ang kailangan, ito ay ang ‘visit’ at ‘employment’ visa. 

‘Kapag visit visa, ang ginamit dapat may dala silang affidavit of support at resibo ng consulate pero kapag employment visa tiyak maraming rekotitos ang kailangan.

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit i-double check ang visa number ay lalabas itong totoo dahil may record ito sa check-in counter pero ang dapat malaman dito kung visit visa ba o employment visa?

‘Kailangan kalkalin at himayhimayin ng NAIA-NBI ang dokumento ng apat para malaman kung gumamit ba ng fake documents ang mga pasaherong hinugot?’ sabi ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

Ano kaya ang masasabi rito ni Aton Lopez, ang NAIA T3 BI-TCEU, terminal head? 

Alam kaya ni Aton ito o hindi? 

‘Paano nakalusot ito sa NAIA-BI TCEU, na nagbabantay sa tali bago pumasok ang pasahero sa final security check-in counter sa departure area ng paliparan?’ tanong ng kuwagong mangongotong.

‘Nagpakaang-kaang ba sila?’ tanong ng kuwagong naglalagay.

Ano na kaya ang nangyari sa apat na pasaherong hinugot?

Nasaan sila ngayon?

Pinauwi ba o pina-imbestigahan sa NBI o I-ACT ang mga ito?

Ano ang nangyari sa IO na pumalo sa passport ng apat na hinugot na pasahero?

Iniimbestigahan din ba?

Abangan.

Taga-Davao, ang ‘ninong’ ni ‘The Living Dead’

NAGTATAKA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit up to now hindi pa nawawala si alyas Ricky ‘The Living Dead,’ ang diumano’y utak ng human smuggling sa Cebu?

Naku ha!

Ano ba ito?

Bakit kaya?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinipigilan diumano ng isang alyas ‘Papa G’ para hindi mailabas ang order sa pagsipa kay alyas Ricky ‘the living dead’ sa kanyang puesto.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may inaantay ang grupo ni alyas Papa G at alyas Ricky ‘The Living Dead’ na padrino from Davao na lulutang para huwag itong masipa sa kanyang lugar?

Ang masama pa, sabi ng mga sumbungera,  bakit si ‘the living dead,’ lamang ang inaalis dito samantala ang mga aso niya ay tahimik na kumakahol sa paggawa ng mga illegal activities.

Abangan.

Show comments