Catriona, Miss Universe nating lahat

ISANG malaking karangalan na naman ang dumating sa ating bansa. Nasungkit na naman ng isang Pinay Beauty­ ang Miss Universe 2018. Iba talaga ang ganda at talino ng isang Pilipina na sumasabak sa iba’t ibang international beauty pageant. Talagang hinahangaan di man palaging nasusungkit ang korona sa mga sinasalihang pageant pero hindi naman tayo nalalagay sa huli. Kahanga-hanga talaga ang ganda at talino nating mga Pilipino.

Para sa akin si Catriona Gray ang karapat-dapat tanghaling Miss Universe dahil hindi lang sa ganda, mas humanga ako sa sagot ng mga tanong ni Steve Harvey. Tinanghal na Miss Universe, naglabasan na rin ang kan­yang mga tinulungan, hindi lang pala panlabas na anyo ang maganda sa kanya kundi pati na rin panloob. Walang pinipiling tao, mantakin n’yo kung gaano ka-grabe ang sinusuong niyang iskuwater sa Tondo, Manila. Yan ang binigay sa kanyang premyo ng Panginoon ang korona ng Miss Universe. Upang lalong pagbutihin ang pagtulong sa mga kababayan nating kapuspalad, sanay itulak din niya ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga batang mahihirap.

May isang awitin akong paborito nung kapanahunan ko pa. “Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko” Malamang sisikat na naman ang kantang yan dahil isa na naman nating­ kababayan ang nakasungkit ng korona. Sinubukan­ ni Catriona ang Miss World Pageant pero sa kasamaang palad ay natalo, pero tayong mga Pinoy minsang nadapa ay babangon agad. Bihira sa atin ang nawawalan ng pag-asa laban lang ng laban at sumubok muli sa Miss Uni­verse pageant at yan ang napagtagumpayan niya. Hinangaan ng marami ang pakitang gilas niyang “Lava Walk” na kinum­para sa Mayon Volcano ng Albay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maibsan ang tuwa nating­ mga Pinoy. Salamat Catriona dahil ang tagumpay mo ay tagumpay nating lahat.

Show comments