Walang sinasanto ang pulitika

KAHIT nanalong muli ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, naaawa ako sa kanya kung tutunghayan natin ang mga negatibong komento sa kanya sa social media. Hindi lang sa kanya ako naaawa kundi sa buong sambayanang Pilipino. Hindi iilan kundi marami ang naghahangad na sana ay talunin siya ni Lucas Matthysse.

Sa halip na idalangin na siya ay manalo, marami ang nagdarasal na siya ay matalo. Ganyan kalupit ang pulitika sa bansa. Sa halip na magkaisa ang bayan, ito ay patuloy na nahahati.

Kahit sino pa ang kinakampihan ni Pacquiao sa lara-ngan ng pulitika, siya pa rin ang ating bayani sa larangan ng pandaigdig na boksing. Nagagalak ako at muli niyang napatunayan na sa kanila ng mga negatibong pahayag sa kanya, nagawa niyang paluhurin ang katunggaling Argentinian na si Lucas Matthysse sa kanilang pagsasagupa sa Malaysia, at naagaw niya ang WBA championship title kahit pa sinasabing mas malakas at nakababata ito sa kanya.

Sana naman, sa aspeto ng kanyang pagiging boksi-ngerong pandaigdig ay isasantabi ang pulitika at sumuporta sa kanya ang bawat Pilipino ano man ang kanilang political inclination. Ngunit hindi iyan ang nangyari.

Ipinakikita ng mga Pilipino sa buong daigdig ang pagkakawatakwatak natin at kawalan ng pagkakaisa.

Sa ngayon, dalawa ang perspektibong pananaw ng taumbayan kay Pacquiao. Ito ay bilang isang Senador at bilang isang de kalibreng boksingero na sa matagal na panahon ay nakapaghatid ng malaking karangalan para sa bansa.

Kung tayo man ay salungat sa mga pananaw ni Pacquiao sa pulitika, huwag nating hayaang humalo ito sa kanyang propesyon bilang tagapaghati ng dangal sa ating Inambayan.

Show comments