God Power hindi People Power

UMANI nang umaatikabong tuligsa si President Duterte nang sabihin niya sa kanyang talumpati na “estupido ang Diyos”.

Bilang isang Kristiyano na naniniwala sa Salita ng Diyos­, kasama ako sa maraming nagpahayag ng disgusto sa mga katagang yaon na binigkas ng Pangulo sa isang okasyon sa Davao City. Agad kong ipinaskel sa aking Facebook account ang aking sentimiyento laban sa pahayag ng Pangulo, bagama’t sa malumanay na paraan.

Bagama’t marami ang umayon sa akin, marami ring tumuligsa sa panig ng mga die-hard followers ni Duterte.  Sinabi ko lang naman na ipanalangin ang Pangulo na baguhin ng Diyos ang kanyang puso.

Sinabi ko na kung hindi posibleng baguhin ng Diyos ang puso ng Pangulo, magtalaga Siya ng bagong leader na nananalig sa Kanya. Iyan siguro ang hindi naibigan ng mga dye-in-the-wool na Duterte supporters. Tapos ide­depensa pa ng Malacañang ang pahayag ng Pangulo na may karapatan itong sabihin ang ano mang damdamin niya tungkol sa relihiyon.

Sa tingin ko nga, we deserve one Rodrigo Duterte dahil sa katigasan ng ating ulo. Ang masama nga lang, pati ang pang-aalipusta ng Pangulo mismong sa Diyos ay inaayunan ng kanyang mga followers, bagay na naka­kalungkot.

Sabi ko nga, kung ang mga supporters na ito ay tunay na nagmamahal sa Pangulo, ipananalangin nila ito na magbalik-loob sa Diyos sa halip na ayunan siya at ipagtanggol ang hindi puwedeng bigyang katuwiran.

Duterte is God’s way of chastising Filipinos for their obstinate political illiteracy which resulted in a string of administrations that never pleased them. Ang kalunus-lunos nating bansa ay nahaharap pa sa maraming ma­bibigat na kalamidad kung tayong mga Pilipino ay hindi magbabago.

Sabi nga sa Hosea 4:6 “My people are destroyed for lack of knowledge: because thou hast rejected knowledge, I will also reject thee, that thou shalt be no priest to me: seeing thou hast forgotten the law of thy God, I will also forget thy children.”

Show comments