_ngayon
^

Mungkahi vs krimen

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2018 - 12:00am

Ang pitak na ito’y may ilang suhestiyon

upang itong krimen mabawasan ngayon;

Sa mga kriminal sa bayan at nayon

hindi kamatayan ang dapat ihatol!

 

Mga nagkasala’y huwag nang litisin

upang walang gastos ang gobyerno natin;

Maghapo’t magdamag sila’y paluhurin

sa liwasang bayan ito’y doon gawin!

 

Mga mahuhuling kaaway ng batas

hindi kamatayan ang parusang dapat;

Kanang kamay nila ay putulin agad

at ang mga rapist tanggalan ng bayag!

 

Sa sistemang ito’y tiyak magbabago

ang mga kriminal -- dati na at bago;

Ang mga salarin kapag pinatay mo -- 

resulta’y vendetta’t patayang magarbo!

DADONG MATINIK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with