_ngayon
^

Nasaan ang tren?

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2018 - 12:00am

Ito’y kasalanan ng bus jeep operators

ang sasakyan nila maraming colorum

gobyerno’y naghigpit dinarakip ngayon

mga nagbibiyahe sa lungsod at nayon

 

At para sa ating mga mamamayan

ang sistemang ito ay tama nga lamang

dapat na magdusa mga makasalanan

na bus operators sobra na ang yaman

 

Matagal na ngayon sa pitak na ito

mga colorum na bus pinupuna rito

sila’y palagi nang kampante sa gusto’t

pagbyahe ng tren kinokontra nito

Sila’y naglalagay sa mga opisyal

ng ating gobyernong yumaman sa lagay

pagtakbo ng tren ay napipigilan

upang transport nila ang tumakbo lamang!

 

Dahil sa maraming bus na pumapasada

gayong mga ito ay colorum pala;

ang lahat nang kalye sa Metro Manila

lubhang nagsisikip tao’y nagdurusa!

 

Ang ating PNR kung pauunlarin

ang mga lansangan ay magluluwag din;

masarap na sakyan maayos na tren

ng mga employees at mga students!

 

At kung ang PNR ay mapagaganda

mga mamamayan tiyak matutuwa;

MRT, LRT makatutulong pa

kung ito ay ayos din at hindi wasak na!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with