^

PSN Opinyon

‘Gulo sa mundo’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

LALAKING NAKAITIM, balot ang mukha at mata lang ang nakikita. May dalang mahabang uri ng baril ang suspek sa nangyari sa Resorts World na nakilalang si Jessie Carlos.

Natalo ang taong ito ng Php100 milyong piso. May malaking utang at pabalik-balik na sa Casino.

Sa inilabas na CCTV footage ng ANC kuha sa pinangyarihan ng insidente ay nakasakay sa isang taxi ang lalaki. Nakasuot ng hood at may dalang malaking backpack na itim.

Sumakay ng elevator kasama ang ilan pang guest. Dumaan siya sa harapan kung saan yung lady guard ang nagbabantay sa metal detector. Sa gilid ng metal detector pumasok ang lalaki at sinubukan siyang pigilan ng gwardiya ngunit tuluy-tuloy lang ang lalaki at maya-maya ay nagpaputok na ito.

May bitbit itong M4 rifle, nag-umpisang magpaputok pataas at nagtapon ng mga gasolina sa ibabaw ng gambling table. Wala siyang binaril na player kaya’t sa aking palagay ang ibig sabihin lamang ay galit na galit siya dun sa casino na umubos ng kanyang pera at kabuhayan.

Sino ba ang sadyang may kasalanan bakitt nagkaganun ang kanyang buhay? Hindi ba’t kagustuhan niya din yun?

Maraming nagkaroon ng pagkakataon na makatakas papalayo pero marami ang natakot at nagkulong sa kwarto sa pangambang sa kanilang paglabas tamaan sila ng bala.

Meron ngang pumanik sa kisame para magtago. Kumapal ang usok dahil simple lang ang air conditioning unit ng Resorts World ay centralized kaya’t umiikot pa rin ang usok sa mga kwarto.

Marami sa mga namatay ay nasulasok dahil napupuno ng carbon monoxide ang kanilang mga baga at hindi nakahinga.

Marami ngang nakitang mga bangkay na nagpatong-patong. Ang suspek naman ayon sa mga pulis ay pumasok sa room 510. Nagbuhos ng gasolina at nagsunog bago binaril ang kanyang sarili sa bibig at tumagos ang bala sa likod ng ulo.

Ito ay para bang makaganti man lang sa  casino na ito kung saan siya nalulong sa bisyo at nalustay ang kanyang pinag ipunan.

Ayon sa mga saksi ang taong ito ay matangkad. Caucasian looking at nag-iingles pero ayon sa taxi driver ay nagta-tagalog daw ito.

May ilan pa sa mga testigo na nagsabing mukha ngang foreigner ang lalaking ito.

Maraming tanong, bakit nagkaganun ang paghawak ng mga opisyales ng Resorts World, nag-iisa ang tao kumakapal ang mga usok. Wala bang centralized na switch na maaaring patayin ang air-conditioning system para hindi makapasok  sa mga kwarto.

Iilang palapag lamang ang Resorts World, wala bang pwedeng umikot at katukin ang bawat kwarto para tulungan ang mga taong nagtatago dun palabas ng hotel?

Kung ang simpleng paaralan nagkakaroon ng fire drill bakit hindi nilagyan ng tamang kaalaman ang mga pumupunta dun na mga bisita at manlalaro kapag may sunog, emergency o terror attack.

Sino ba ang ahensya na may hawak sa Resorts World? Dapat ito’y kastiguhin at panagutin sa mga napatay.

Ang ibang mga guest naman nung hindi na makahinga ay binasag ang mga bintana para lumundag mula sa pangatlong palapag.

Ano sa palagay niyo ang mangyayari sa kanilang pagbagsak? Malinaw ang kuha ng ANC sa ginawang panununog at pamamaril ng suspek. Hindi lang gambling tables ang nagliyab kundi pati ang mga slot machines.

Nagnakaw din ito ng chips na may kabuuang halaga na Php113 milyong piso ngunit bandang huli ay iniwan lang din nito.

Ang unang tanong na sumasagi sa maraming nakabalita nito bakit nakapasok ang taong ito na may dalang baril at gasolina.

Mga kaibigan karamihan sa mga tao ngayon ay namumuhay sa takot. Takot na lumabas ng bahay, takot na pumunta ng mall, takot pumunta kahit saan kasama ang kanilang mga anak.

We live in a world of fear knowing danger lurks ready to pounce on helpless civilians, men women and children. What has this world come to? Where is it going?

Marami sa amin ang nangangarap na mamuhay ng tahimik, magkaroon ng kahit na isang munting bahay. Makita ang aming anak na lumaki at kung papalarin pati na ang aming mga apo.   

Paano mangyayari ito kung hindi ligtas ang ating lipunan. Kung minsan may mga taong ang kanilang mahal sa buhay ay naging biktima na nagtatanong, Panginoon bakit hinayaan mo ito? Bakit hinayaan mong mangyari sa aking anak na babae o sa aking anak na alaki?

Subalit sino tayo para kwestiyonin ang Panginoon hindi ba’t tao ang may gawa nito. Hindi ba’t binigyan niya tayo ng free will.

Nung isang linggo hindi pa natatapos ang dalamhati ng mga taong nanood ng concert ni Ariana Grande sa Manchester kung saan binanatan din ng mga terorista at karamihan dito ay mga bata.

Sa ating bayan kung saan pinasok ng mga Maute ang Marawi at kinailangan na magdeklara ng Batas Militar ang ating Presidente upang pulbusin sila.

Ang mahirap lang talaga ay kapag ang terorista ay walang mukha, walang kinikilalang kasarian, hindi mo nga alam kung ang katabi mo sa LRT ay isang terorista.

Kahapon lamang sa London isang van ang rumagasa sa mahigit na dalawampung tao kasabay nito ang isang kainan ay pinasok at pinagsasaksak at nakapatay ng dalawang tao.

Meron pang isang insidente ng terorismo sa di kalayuan at hanggang ngayon iniimbestigahan pa kung magkakatugma ang lahat ng ito.

Binigyan tayo ng isang mundong maganda kung saan dalisay ang hangin, malinamnam ang tubig at luntiang kapaligran ang iyong makikita. Bakit natin winawasak ito?

Mahalin natin ang ating mundo. Ito lamang ang meron tayo. Tama ang Santo Papa dasal, dasal, dasal para mailayo tayo at ang ating pamilya at mahal sa buhay sa kapahamakan.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with