Papayag ba muli sa tigil-putukan?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2017 - 12:00am

AYON sa Armed Forces of the Philippines, nagkaroon na ng 30 enkuwentro sa NPA, mula nang bawiin ni Pres. Rodrigo Duterte ang tigil-putukan. Naaalala ko pa ang pahayag ng NPA na “bring it on” nang magdeklara ng all-out war laban sa kanila. Ilan na ang namamatay sa magkabilang panig. Ngayon, bukas daw ang CPP para magkaroon ng tigil-putukan na lalagdaan ng dalawang panig. Akala ko ba “bring it on”, bakit bukas muli sa tigil-putukan?

Ano kaya ang sagot ni Duterte rito? Papayag ba siya muli sa tigil-putukan? Ilang sundalo na rin ang namamatay sa mga enkuwentro. Ipinakita pa nga ng AFP sa kanilang electronic billboard sa Camp Aguinaldo ang mga napatay ng NPA, habang nagsisigawa ng mga operasyon na wala namang kinalaman sa rebelyon. Ilang beses nang nabasa sa balita na pinababalik na sa kulungan ang mga binigyan ng pansamantalang kalayaan, pero hindi pa nangyayari. Ang sabi, dapat arestuhin na sila, pero hindi pa rin nangyayari. Sinabi ni Duterte na mukhang hindi makakamit ang kapayapaan sa henerasyong ito. Baka nga, kung tila wala na ring tiwala ang magkabilang panig sa isa’t isa, at tila hindi pa rin nagbabago ng mga hiling ng CPP, na hindi naman maibigay ng gobyerno.

Sinabi na ni Duterte na magkaroon lang muli ng usapang kapayapaan, kung may mahalagang dahilan kung saan makikinabang ang bansa. Sa tingin ko wala nang dahilan. Ang natigil na usapang pangkapayapaan ang pinakamagandang pagkakataon para matapos na ang rebelyon. Pero winaldas ito dahil sa mga hiniling na hindi naman maibigay. Bagay dito ang kasabihang inalay ng gobyerno ang kanilang kamay, pero buong braso ang kinukuha, baka buong katawan pa.

Binigyan na ng mga posisyon sa gobyerno, pinalaya ang ilang mga lider para makadalo sa usapang pangkapayapaan. Pero may mga pinatay na sundalo dahil pumasok daw sa kanilang teritoryo, at pinalalaya ang 400 nakabilanggo na mga kapanalig nila. Paano naman naging teri­toryo nila? Sobra naman talaga.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with