‘Lalaya si Lolo?’

ANG TAONG NAGKASALA sa ‘yo kapag narinig mong makakalaya lahat ng sama ng loob babalik sa ‘yo dahil pakiramdam mo nakatakas siya sa pagkakamaling kanyang ginawa.

“Inalok ako ng pera noon pero hindi na ako nagtanong. Hindi ko pinababayaran ang dangal ng apo ko. Ang bata pa niya para gawin sa kanya ‘yan,” pahayag ni Delia.

Apat na taong gulang pa lang ang apo ni Delia Apostol na itatago namin sa pangalang “Lea” nang mamolestya umano ito ng kanyang lolo.

Papalitan na dapat ni Delia ng diaper ang apo nang dumaing ito at humiling na huwag hugasan ang kanyang ari dahil sa masakit.

Inisip ni Delia na baka ang diaper nito ang dahilan kaya ito sumasakit. Sa pangalawang pagdaing ng bata dun na nagtaka sina Delia at inisip na tingnan ang ari nito.

“Tinutukan namin ng flashlight ang ari niya. may nakita ka­ming bakas ng dugo na parang napunit,” wika ni Delia.

Tinanong niya si Lea kung bakit sumasakit ang ari nito.

“Lolo tusok,” sagot ni Lea.

Inakto pa ng bata kung ano ang ginawa sa kanya at kung anong daliri ang ipinantusok.

Hiwalay na si Delia at ang asawa nito pero nakatira lang ito malapit sa kanila. Pader lang ang pagitan nito at madalas namang magpunta sa kanyang lolo si Lea dahil nawiwiling manood sa laptop.

Kaya raw hindi niya na kinayang pakisamahan ito dahil lagi daw lasing at sinasaktan pa siya. Sa kanyang kalagayan ay siya pa ang kumakayod araw-araw para lang makakain sila ng tatlong beses isang araw.

Hanggang ngayon kahit pa may kapansanan si Delia dahil siya’y pilay dumidiskarte at kumakayod siya para matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Ang bahay niya ay pinagawan niya ng mga kwarto at ginawang paupahan.

Hindi naman daw nya maasahan ang kanyang anak sa mga gastusin nila pati sa pag-aaral ni Lea.

Naganap daw ang insidente noong ika-19 ng Hunyo 2015. Pag-uwi ng apo  lilinisan niya na dapat ito ngunit tumanggi ito at sinabing masakit at binanggit pa na may dugo.

Nang magsalita ang bata na tinusok ng kanyang lolo ang ari niya paulit-ulit pa itong tinanong ni Delia para makasiguro. Iisa lang ang isinasagot ni Lea. Daliri umano ang ipinantusok dito.

Dahil sa siya’y pilay hindi sila makalapit kaagad sa istasyon ng pulis upang magreklamo.

Nataon lamang na may bumisita sa kanilang kamag-anak kaya nasamahan sila sa pagsasampa ng kaso.

Sa salaysay ni Lea na ibinigay kay PO3 Gladys Joy Cabiltes ng Women and Children Protection Desk ng Mu?oz Police Station sa patnubay ni Delia inamin niyang tinusok siya ng kanyang lolo.

Tinanong siya kung ano ang isusumbong sa pulis ang sagot nito “Kulong Lolo”.

Gamit ang hintuturo nito ay tinusok nito ang kanyang ari. Tinanong siya ng pulis kung nasaan siya nang tinusok siya ng kanyang lolo.

“Dun bahay, di ako patok. Dun higa tabi Lolo, tusok p3kp7k ko,” sabi ni Lea.

Sumailalim naman sa medical examination ang bata upang masuring mabuti ang kanyang ari.

Kasalukuyang nakakulong ang asawa ni Delia sa Cabanatuan City Jail sa kasong ‘Statutory Rape’.

Kahit pa hindi siya sinusuportahan ng anak sa pagsasampa ng kaso ay desidido si Delia na mabigyan ng karampatang parusa ang dating asawa kung mapapatunayang nagkasala nga ito.

Bago pa daw ito mahuli ay ilang buwan munang nagtago. Nahirapan din sila bago ito bumagsak sa kulungan. May mga tumutulong umanong kamag-anak dito kaya mailap nun sa mga pulis.

Kwento pa ni Delia may naririnig daw siyang balita na tutulungan ito ng kamag-anak para makalabas ng kulungan. May mga kamag-anak daw itong politiko sa kanilang lugar.

Inalok na daw siya noon ng pera ng mga ito para mahugot ang kaso ngunit hindi siya pumayag. Ang tanging gusto niya ay mapanagot ang asawa kung talagang may pagkakamali ito.

“Galit ang anak ko sa ‘kin nun dahil nagkakaso ang kanyang ama. Pilit din nila akong pinapipirma sa ginawa nilang kasunduan. Nagmatigas ako at sinabing sa piskalya na lang kami magharap. Katarungan sa apo ko ang gusto kong makamit,” sabi ni Delia.

Sa Pebrero 2017 daw ang huli nilang pagdinig at dun na magbababa ng desisyon tungkol sa kaso.

“Kawawa naman ang apo ko kung mapapalaya siya. Wala kaming ibang gusto kundi ang pagbayaran niya yun. Napakaliit pa ng apo ko para maranasan ang ganyang uri ng pangmamaltrato,” pahayag ni Delia.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, magandang makita ang medical examination result tungkol sa nangyari kay Lea. Ipapatawag naman dito ang doktor na sumuri sa bata para maipaliwanag kung ano ang kanyang nakita nang tingnan niya ito.

Hindi pa kaagad makakalabas si Macario dahil may nakatakda pa silang pagdinig bago makapaglabas ng resolusyon.

Maliban na lamang kung naghain sila ng motion para makapagpiyansa ito. Kung mapagbibigyan sila na makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang paglaya ibig sabihin ay mahina ang ebidensyang inihain nina Delia laban sa akusado.

Ganun pa man, titimbangin naman itong mabuti at mabigat ang testimonya ng isang apat na taong gulang na bata sapagkat naniniwala ang estado na ang pinakamahalaga ay ang kapakanan ng mga bata sapagkat wala silang kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

 

Show comments