Anti - Marcos, natutulog sa pansitan?

NAGULAT ang sambayanan pinoy ng mabalitaan yesterday sa broadcast media na inilibing na ang dating diktador na si Apo Marcos sa Libingan ng mga Bayani kaya naman ang mga kritiko nito ay naggagalaiti sa galit dahil sa pangyayari.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inilihim ng pamilya ni Apo Marcos ang ginawa nilang paglibing dito kasabwat diumano ang pulisya at militar sa plano?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa pinal at executory ang pasya ng Supreme Court sa decision diumano nila na payagan ilibing sa LNMB si Apo Marcos.
kaya ay inilipad ng isang chopper mula Ilocos Norte patungong LNMB

‘Nagpalagan ang mga kritiko ni Apo Marcos dahil nakatulog sila sa pansitan este mali itinago pala sa kanila ang nangyaring libingan blues yesterday. Hindi anila ito matatawag na ‘hero’ si Apo Marcos dahil kung totoong bayani ito ay hindi dapat itinago ng pamilya ang pagbaon este mali paglibing pala sa dating panggulo este pangulo pala ng Philippines my Philippines.’ hinagpis ng kuwagong nalinglang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mismo si VP Leni Robredo ay nagulantang sa pangyayari kahapon.

Kambiyo isyu, ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sa pamilya ni Apo Marcos mas mainam na ang ginawa nilang biglaan at lihim na paglibing sa kanilang padre de pamilya para maiwasan daw ang gulo sa pagitan ng Marcos loyalists at Anti-Marcos?

‘Isang pulong-pulungan ang ginagawa ng mga anti- Marcos sa nangyari kahapon kaya inaasahan na ang mga kilos protesta dito.’ sabi ng kuwagong nananaginip.

Abangan.

• • • • • •

Bounty hunters nagising vs Ronnie Dayan

MUKHANG aantayin pa ng mga bounty hunters na itaas o dagdagan ang P1 million reward money na inialok ng VACC sa sino man makakapagturo, buhay o patay sa lungga ni Ronnie Dayan, ang lover boy/driver/bodyguard at sinasabing bagman ni Senator Leila De Lima.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakabaon sa lunggang pinagtitirikan si Dayan para huwag siyang makita ng mga autoridad na humahanap sa kanya matapos magpalabas ng ‘warrant of arrest’ ang DOJ laban dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman ang VACC ay nag-alok ng salapi para dakpin patay o buhay si duyan este mali Dayan pala at magbigay linaw sa mga akusasyon ibinibintang dito sa pagiging kolektor ng millions of money from the druglords ng New Bilibid Prison.

‘Sa salaping ibibigay bilang reward liliit ngayon ang mundo ni Dayan sa katatago dahil hindi lang mga autoridad ang puedeng humanap ngayon sa kanyang kundi maging madlang people na interesadong magkamal ng kuwarta.’ sabi ng kuwagong baliktarin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natutuwa ngayon ang mga bounty hunters dahil malaking kuwarta ang makukuha nila mainguso lamang si Dayan sa lunggang pinagtataguan nito.

‘Kaya lang mukhang gusto din nila munang palakihin o madagdagan ang reward money bago sila kumilos ?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

• • • • • •

Kanta ni Kerwin

TOTOO kaya ang ibibigay o kakantahin ni Kerwin Espinosa sa ibibigay niyang hit songs este mali list pala sa mga authorities?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kimkim ng sama ng loob na diumano’y itinatago si Kerwin sa nangyaring pagkamatay ng kanyang erpat sa loob ng selda nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puede rin siyang gumawa diumano ng gimik para magkagulu-gulo ang imbestigasyon at magturo ng kung sinu-sino na kagalit niya.

‘Sana ito ang matutukan ng husto dahil oras na bumuka ang bibig ni Kerwin at kumanta tiyak marami ang mayayari.’ sabi ng kuwagong manghuhula.

Abangan.

 

Show comments