^

PSN Opinyon

Vigilante Justice

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

VIGILANTE. Salitang Kastila na ang kahulugan ay hango sa salitang latin na vigilare o “to be watchful”. Sa Taga­log, ang magmasid. Sa karaniwang pag-unawa, ang isang vigilante ay isang tao na, kahit pa walang basbas ng batas, ay pilit pinatutupad ang batas laban sa mga kriminal.

Hindi na kailangang isa isahin pa ang mga argumento laban sa ganitong uri ng “civic duty”. Sapat nang alala­hanin na ito ay labag sa batas at hinog din na pagmulan ng abuso.

Kritikal sa pag-intindi sa mga intensyon ng vigilante ang malaman ang dahilan ng kanilang pangangahas. At ang pinakamabigat na dahilan ay ito: Minarapat nilang akuin ang responsibilidad na labanan ang krimen dahil hindi nagagampanan ng kinauukulan ang kanilang katungkulan.

Kung walang napapansing kakulangan ang isang vigilante, eh di wala rin itong katwiran na kumilos. Ano pa nga ba ang kanyang susubukang bigyang kataru­ngan kapag maayos ang pamamalakad ng mga law enforcement agencies ng pamahalaan?

Ito kasi ang ugat ng hinanakit ng mga vigilante. Ang gobyerno ang inatasan ng lipunan na ipatupad ang mga batas at bigyang proteksyon ang mamamayan. Papaanong gagawin ng karaniwang mamamayan kapag ang obligasyong ito ay hindi magampanan? Sa pana­naw ng mga kritiko, ang gobyernong ganito ay hindi lehitimo. Kung kaya hindi rin obligado ang mga mamamayan na respetuhin ito o maging ang mga batas na ipinapasa nito.

Ang pagkakaroon ng organisadong lipunan na may gobyernong namamahala ang susi ng ating pag-angat at pagprogreso. Kapag wala nga namang ayos, magkakanya-kanya ang lahat at walang batas na mananaig. Para sa vigilante, ganoon na kalala ang sitwasyon – hindi na epektibo ang gobyerno at kailangan nang kusang kumilos.

Kung ang pag-vigilante ng isang karaniwang mamamayan ay delikado na, papaano kapag mismong mga alagad ng gobyerno ang magdesisyong mag-vigilante? Ito naman ang mahirap intindihin.

Ang buong puwersa ng pamahalaan ay hawak na nila. Kailangan lang ay ipatupad ang batas ng maayos dahil nandyan pa rin ang mga maselang karapatan ng tao na dapat respetuhin. Sila ang gobyerno, sila ang batas. Kapag sila mismo ang hindi sumunod sa sarili nilang batas – sino ang nirereklamo nila?

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with