^

PSN Opinyon

Tamang ‘checkpoint’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

IISA lang ang pamantayan sa pagsasagawa ng checkpoint.

Isa sa mga mahahalagang pamamaraan ng mga alagad ng batas para mapigilan ang anumang uring kriminalidad.

Kapag ang mga pulis nakikitang agresibo at aktibong nagpapatrolya sa mga lansangan magdadalawang-isip muna ang mga kriminal bago gumawa ng anumang katarantaduhan.

Crime prevention ang tawag dito. Napipigilan na agad ang krimen bago pa man mangyari.

Pabor ako sa pagsasagawa ng checkpoint ng PNP. Lalo na at papalapit na ang 2016 national elections.  

Walang masama kung magsagawa ng checkpoint sa bawat kanto o sektor sa kanilang mga huris­diksyon dahil ito ay para sa kapakanan ng mga mamamayan­.

Subalit, kapag ang checkpoint, isinagawa sa tago o madilim na lugar, walang nakapaskil na karatulang mayroon silang gagawing inspeksyon sa bawat moto­ristang dumadaan at nakapatay ang ilaw ng mobil ng pulis, may nangyayaring iregularidad.

Marami ang mga naitatalang kaso na ang mga moto­rista, pilit pinapababa ng sasakyan at kinakapkapan. Dito kadalasang nangyayari ang hulidap o “pagpa-planta” ng mga ilegal na droga.

Sa mandato ng pulisya, hindi maaaring isagawa ng pulis­ ang pagkapkap sa isang indibidwal ng walang permiso o pahintulot mula sa sabjek. Ang tawag dito ay consensual search.

Maliban na lamang kung mayroon silang natanggap na impormasyon na ang dadaan ay suspek sa isang krimen o ‘di naman kaya kahina-hinala.

Sa bansang Amerika, istriktong ipinatutupad ang con­sensual­ search. Ilan ito sa mga responde ng mga PI­NOY-US­ COPS na ta­unang idinodukumento ng BITAG sa California.

Sinumang isasailalim sa frisking o pagkakapkap lalo na kapag ka­duda-dudang indibdiwal, itinatawag agad ng mga pulis sa central communication center o 911. Dito, natutukoy at nalalaman nila ang identidad ng kanilang sabjek.

Ang hubo’t hubad na kato­tohanan marami sa myembro ng Philippine National Police, hindi alam ang tamang pagsasagawa ng checkpoint.

Wala ring central communication system at data base na panggagalingan at pinagbabatuhan ng mga impormasyon. Kaya, kadalasan, ang checkpoint, nagiging “raket” ng mga tiwaling pulis.

Tandaan. Ang tamang checkpoint ay isinasagawa sa maliwanag na lugar. Magalang ang mga pulis. Bilang kortesiya may kasama silang mga opisyales ng barangay na nakakasakop sa lugar, hindi patago at nakikita ng mga mamamayan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00 – 11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episodes, mag-log on sa bitag official YouTube Channel sa youtube.com/user/bitagofficial.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with