_ngayon
^

PSN Opinyon

Karera sa eleksiyon

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

May limang hinete na mangangabayo

Sa hangaring sila ay maging Pangulo;

Dalwa ang babae, ang una’y si Grace Poe

Na alam ng lahat anak ni Fernando Poe!

 

Pangalawang babae ang ngalan ay Miriam

Magaling sa batas at iginagalang;

Kabilang sa kanyang mga kahusayan

Ay ang pagwasiwas sa mga kawatan.

 

Pangatlong candidate sanay mag-hinete

Itong si Mar Roxas -- sayang nagkamali

Sa Yolanda victims ay kanyang sinabi:

‘‘Mayor ng Tacloban-Romualdez ka pare’’!

 

Isa pang sanay na sa pangangabayo

Dating Vice President sa Makati’y henyo

Kaya lang sa dami perang naipon nito

Kahit buong bansa bibilhin ang boto?

 

Panlimang hinete’y itong si Duterte

Dahil sa nagulat sa bulyaw diskarte

Ang kanyang kabayo di pa nahuhuli

Kaya di pa tiyak kung siya’y kasali!

 

Sa limang nilikhang ngayon ay haharap

Bilang kandidato sa posisyong hangad

Ang maging pangulo ng bansa’y mahirap

Ang piliin natin ay taong matapat!

 

Sa Mayo ang wakas ng karerang eleks’yon

Dapat lahat tayo’y may napiling kampeon;

Siya’y isang taong matapat sa misyon

Nasa puso’t diwa ligaya ng buong nasyon!

ACIRC ANG BILANG DAHIL DATING VICE PRESIDENT FERNANDO POE GRACE POE KAYA MAR ROXAS SA MAYO SA YOLANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with