Iiyak ang mga dukha
PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2016 - 9:00am

Magpapaalam na nasa Malacañang

Magwawakas na rin ang “tuwid na daan”;

Kaya ang Kongreso huwag malimutan

Nagpasa nang malaking pondong pambayan!

 

Mahigit sa 3-T ang pondong ginawa

Kaya ang Pangulo ay waring masaya

Sa reaks’yon nito siya’y tuwang-tuwa

Pero milyung tao ngayo’y lumuluha!

 

Paanong di iiyak mga dukhang tao –

Sila’y aping-api sa malaking pondo;

P62.6-M pondo lang ang sigurado

Sa Pantawid Pamilyang Pilipino!

 

Ito’y pondong pagkaliit sa marami

Nating mga dukha at lubhang api;

Na mga biktima ng bagyo at daluyong

Sa Tacloban at lindol sa Bohol at Leyte!

 

Ang Yolanda victims wala pang tahanan

Mga tao’y nagtitiis sa init at ulan;

At ngayong parating salot na tag-araw

Sa malupit na El Niño ay mahihirapan!

 

Dapat ngayo’y kumilos na ang administrasyon

Pagka’t malapit na pambansang eleks’yon;

Kung sila’y makupad at kikilos pagong

Ang mga kakampi sa boto ay gutom!

 

Ngayon ang panahon ating mga dukha

Sa malaking pondo tumatanggap ng awa;

Hindi palagi nang api’t maralita

‘Tawid pampamilya’ – propaganda yata!

 

Sa programang ito ang makikinabang

Ay mga senador at mga kongresman-

Tiyak may pork barrel uli sa ibang pangalan

Sa galing at magic ni Abad at Soliman!

ABAD ACIRC ANG ANG YOLANDA ATILDE EL NI KAYA MGA NBSP SA PANTAWID PAMILYANG PILIPINO SA TACLOBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with