Wala ka nang kawala Duterte!

Matatapos na rin ang mahabang panahon na binibitin ni Mayor Rodrigo Duterte ang buong sambayanan kung tatakbo ba siya sa pagkapangulo  o hindi sa May 2016 elections.

Talagang bitin hindi lang ang madla ngunit higit na ang ibang political parties gaya ng Liberal Party at ng United Nacionalist Alliance at iba pang mga pulitiko kung ano ba talaga ang balak ni Duterte at sila mismo ay hindi alam kung ano ang gagawin nilang stratehiya sa pangangampanya.

Lahat nakatunganga kung ano ba talaga ang balak ni Duterte.

Ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan din at matatapos na ang paghihintay sa loob ng linggong ito, sa ika 11:59 p.m. ng October 16, ang deadline ng filing ng certificates of candidacy ng mga kakandidato sa mga nais tumakbo sa national positions.

Kaya ngayon pa man ay wala nang kawala si Duterte.

Kailangan na ring harapin ng alkalde ang katotohanang hindi siya pupuwedeng tumakbo papalayo kung nais man lang niyang magpapahalal sa pagkapangulo.

Wala nang tsetse-buritse tatakbo ba siya o hindi.

Sinabi niyang luluwas siya ng Maynila sa October 15. Kung ano ang gagawin niya, iyon ay kaabang-abang.

Show comments