^

PSN Opinyon

Bakit MILF lang?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang naman ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang may eksklusibong karapatang magkaroon ng sariling pamahalaan o awtonomiya  sa Mindanao. Mara-ming Kristiyano sa Mindanao at iba pa na mula sa ibang kultura tulad ng mga Lumad at Ilaga at iba pang mga katutubong may sariling tribo.

Bukod diyan, may ibang paksyon ng mga Bangsamoro na Moro National Liberation Front (MNLF) bukod pa sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na itinatanggi ng MILF na kaalyado nito. Sinasabing ang Abu Sayyaf ay isang bandidong grupo pero isa rin itong political force na dapat isali sa negosasyon kung kailangan.

Ang ano mang mararating na kasunduan ng pamahalaan at MILF ay malamang maging mitsa lang ng mas matin-ding kaguluhan sa rehiyon. Kaya para sa akin, ibasura na lang ang binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL) kaysa ituloy ito at tuluyang lalung wasakin  ang kapayapaan  sa Mindanao.  Walang ano mang pagrebisa o kaya’y amyenda  sa panukalang batas na ito ang magbubunga ng mabuti. Mananatili itong hindi katanggap-tanggap sa ibang sektor sa Mindanao. Naririnig kasi natin sa pamahalaan na kung magpapakita ng sinseridad ang MILF ay handa ang pamahalaan na pagtibayin ang BBL. Inuulit ko, hindi lang MILF ang may karapatang magkaroon ng awtonomiya kundi lahat ng sektor sa Mindanao.

Pero ibang usapan kung makabubuo ang lahat ng sektor sa Mindanao, kasama na ang mga Kristiyano, Moro, Lumad at iba pang kultura para sa nagkakaisang layunin na bumuo ng awtonomiya sa rehiyon. Hangga’t hindi nangyayari ang ganito, ang hinahabol na kapayapaan sa Mindanao ay lalaging mailap.

Nakalulungkot pero maging ang mga kababayan nating Muslim sa Mindanao mismo ay watak-watak rin. Maski magkakaanak ay nag-uubusan ng lahi.  Ayusin muna nila ang mga personal na hidwaan. Magkaisa sa layuning ipinag­lalaban bago makipag-usap sa pamahalaan.

Ang problema, bawat paksyon ng mga Muslim ay may sari-sariling agenda na ipinaglalaban na salungat sa interes ng iba. Iyan ang dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng kapayapaan. Ano ang puwedeng gawin ng pamahalaan para matigil ang mga patayan sa rehiyon? Simple. Ipatupad ang batas. Buksan ang pintuan sa mga ibig makipagkasundo at sumunod sa batas ng republika at usigin yung mga patuloy na lalabag dito.

ABU SAYYAF

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

KRISTIYANO

LUMAD

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with