^

Dapat kapit-bisig

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2015 - 12:00am

Dapat lang ngayong buwan ng pag-ibig

Tayong Pilipino ay magkapit-bisig

Ipakita natin tayo ay galit na galit

Sa pagkakapatay sa forty four pulis

 

Darating ding itanong nitong sambayanan

Kung tayo ay mahal pa ng ating pamahalaan

Kung hindi ay bakit maraming pinaslang

Na mga pulis-SAF kulang pa sa laban

 

Dapat sa nangyari’y may sana’y managot

Upang itong bansa ay hindi mayamot

Sa mga opisyal na makalimot

Sa tungkulin nila’y sa baya’y idulot

 

Dapat ding itanong nitong buong bansa

Kung ang mga lider ay hindi pabaya

Pagkat kung hindi, hindi mariwara

Ang buhay ng ating kawal na batambata

 

Dapat ding malaman nitong sambayanan

Kung ang administrasyon ay di-nagkulang

Siguro marahil walang nalalaman

Sa pagtatanggol nitong ating bayan

 

Dapat ding malaman ng buong sinukob

Kung ang lider natin ay buo ang loob

At di mga taong utak ay baluktot

At di mga taong malas saka ugok

DAPAT IPAKITA KUNG PAGKAT SIGURO TAYONG PILIPINO UPANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with