Governor, nagbaon ng boylets sa Macau

ALAM n’yo bang nagbaon pa ng boylets ang isang governor nang manood ng boxing sa Cotai Arena sa Venetian Casino Hotel sa Macau?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Charles Llanes ng Yes-FM, Bro. Do Sevilla, Bro. Paulino Lim, Soledad Espejo Flores, Celia Barquez, Jimmy Go, at John Aquino ng Biomedis-Mindanao.

Alam n’yo bang nagbaon pa ng tatlong boy-lets ang isang bading na governor nang manood ng laban nina Manny Pacquiao at Chris Algieri sa Venetian Hotel sa Macau?

Ayon sa aking bubwit, ang tatlong boylets ni Governor ay tipong high school students pa lamang o kaya ay mga first year o second year college students. Ang mga tinedyer na ito ay mga scholars ni Sir sa kanilang probinsiya.

Ang dalawa sa tatlong bagets ay medyo maputi at yung isa naman ay may pagka-moreno. Yung isa ay naka-shorts pa.

Ayon sa aking bubwit, halos makatabi niya ng lamesa si Governor at ang boylets nito nang sila ay kumain matapos ang laban ni Pacquiao at Algieri.

Sa dami kasi ng mga nanood sa boxing na pinanood din ng napakaraming Pinoy na nagtungo pa sa Macau ay punuan lahat ang mga restaurant sa Venetian hotel-casino pati na ang fastfood na kinainan nina Governor.

Sila ay pumila rin sa mga kainan at pinagsilbihan naman na parang ina ang kanyang boylets. Wow, ang sweet mo naman Gob.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa dami ng mga Pinoy na nanood kasama na si Mayor Erap Estrada, ilang senador at kongresista, upang hindi mahalata na may baon na guwapong bagets si Governor, kung lumakad ito ay medyo malayo sa boylets.

Kung sila ay lumakad ay nauuna si Governor at sa layong mga tatlong dipa ay kasunod naman ang tatlo niyang bagets.

Ang governor na nagbaon ng tatlong boylets sa Macau noong laban ni Pacquiao ay si Gov. J. as in Jose by day at Josefina by night.

Show comments