Kay P-Noy at VP-Binay: Alalahanin n’yo ang OFWs

NOONG nakaraang taon, nakalimutan ni P-Noy na banggitin ang kahalagahan ng mga remittances ng OFWs sa ating ekonomiya. Madalas na nababansagan ang ekonomiya ng Pilipnas na “sick man of Asia”. Pero kung hindi dahil sa remittances ng mga OFWs, baka na dedo na ating ekonomiya at sa halip na sick lang ay “dead man of Asia” na sana tayo.

Dapat ding  bigyan ng importansya ni P-Noy sa kanyang SONA, ang mga pamilya ng OFWs na naiwan sa Pilipinas. Mahirap at malungkot yung nawawalan ang isang tahanan ng  haligi o mahal sa buhay kahit ba pansamantala lamang.

Sa sama ng loob ko noong nakaraang taon dahil sa hindi nabanggit ni P-Noy ang mga OFWs  at pamilya sa kanyang SONA, nag-privilege speech ako para ireklamo ito. Ako ay nagtanong kung bakit nakalimutan ni P-Noy ang OFWs at pamilya.

Kung nagkulang si P-Noy, nagkulang din kaya si Vice President Jojo Binay? Nakalimutan kaya ng naturingang Presidential Adviser on OFWs (PA/OFWs) na ipaalala kay P-Noy na banggitin ang OFWs at pamilya? Kung pinaalahanan ni Binay si P-Noy at hindi siya pinansin, dapat magbitiw na siya bilang PA/OFWs.

After all, busog na busog na naman siya sa kapangyarihan in the sense na maliban sa VP siya at PA/OFWs, siya ay Secretary of Housing, tatay ng senadora, tatay ng kongresista, tatay ng Makati mayor at mister ng dating mayor ng Makati na hindi makaalis ng bansa kung walang permiso sa Ombudsman/Sandiganbayan dahil akusado sa graft and corruption.

Malamang babanatan ni P-Noy ang mga akusado sa pork barrel scams. Okey lang sa akin, kasi sila ‘yung opposites ng OFWs na ang turing natin ay mga New Heroes of the Republic. Kung may mga heroes siyempre may villains o kontrabida. Kaya sana, banggitin ni P-Noy ang mga bidang OFWs sa halip na ang mga kontrabidang pulitiko.

 

Show comments