_ngayon
^

Illegal gambling operators ikulong!

- Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2014 - 12:00am

KAY hirap awatin ng mga illegal gambling operators. Noong nagkaroon ng small town lottery, sinakyan agad nila.  Lagi silang umaangkas sa mga proyekto ng pamahalaan na makalikom ng pondong inilalaan para sa mga programang pangkawanggawa.

Nabalitaan natin na itong Bingo Milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay ginagamit na ng mga sindikato sa sugal. Kaya naman tiniyak ng PCSO na uusigin ang lahat ng mga mapagsamantalang ito at ikakalaboso.

 â€œKulong sila”. Ito ang katiyakan ng Philippine Chari­ty Sweepstakes Office (PCSO). Ayon kay Benedicto O. Bulatao, Chairman at General manager ng Comnet, Inc., system provider ng Bingo Milyonaryo bilang tugon sa obserbasyon ni Nueva Ecija Rep. Carlos Padilla sa nasabing isyu.

“Umasa si Rep. Padilla na lahat ng hakbang ay ginaga-wa namin upang masugpo ang sitwasyong ito.  Nakikipag­ugnayan kami sa kaukulang awtoridad para ikulong ang magkakasala.  Nakiki-isa kami sa kanyang kampanya laban sa iligal na sugal kagaya ng jueteng.”diin ni Bulatao.

Sinabi ni Bulatao na ang Bingo Milyonaryo ay itinatag upang masugpo ang jueteng.  “Mga akusasyon laban sa Bingo Milyonaryo ay paninira ng iligal gambling lords na nasasaktan ang negosyo dahil sa Bingo Milyonaryo,”habol ni Bulatao.

Samantala, umuugong ang balita na naglatag ng ma­laking pondo ang iligal gambling lords para sirain sa publiko ang Bingo Milyonaryo. “Pina-iimbistigahan namin ito, “paliwanag ni Bulatao.

Itinatag din ang Bingo Milyonaryo upang lumago pa ang pondo ng PCSO sa pagtulong nito sa kalusugan at kapakanan ng mahihirap.  Sa pamumuno ni Board Chair Margie Juico bumuti ang operasyon ng PCSO na pinuri ni Pangulong Pnoy.

Sa mga nagsasamantalang ito, maawa naman kayo dahil ang pinaglalaanan ng pondo ng PCSO ay yung mga mararalitang umaasa sa ayuda ng ahensyang ito. Mayroon ba kayong konsensya?

BENEDICTO O BINGO BINGO MILYONARYO BOARD CHAIR MARGIE JUICO BULATAO CARLOS PADILLA MILYONARYO NUEVA ECIJA REP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with